Sarah Lahbati: "In reality I'm very proud to say that I'm good at saving, I'm good at finances"

Sarah Lahbati: "In reality I'm very proud to say that I'm good at saving, I'm good at finances"

- Sinabi ni Sarah Lahbati na natatawa siya sa bansag sa kanya na 'Patron Saint ng Waldas'

- Kaya naman aniya ay sinasakyan niya ng konti ang mga komentong ito sa kanyang social media posts

- Gayunpaman aniya, maipagmamalaki niyang mahusay siyang mag-ipon at mag-manage ng kanyang finances

- Nagtatrabaho daw siya para matustusan ang kanyang pangangailangan, maging para sa kanyang mga anak at kanyang mga magulang

Hindi pinagkaila ni Sarah Lahbati na natawa siya sa bansag sa kanya na 'Patron Saint ng Waldas' kaya sinakyan niya daw nang konti ang komento. Sa panayam sa kanya ng One PH, sinabi niyang sa totoong buhay ay hindi ito totoo.

Sarah Lahbati: "In reality I'm very proud to say that I'm good at saving, I'm good at finances"
Sarah Lahbati: "In reality I'm very proud to say that I'm good at saving, I'm good at finances"
Source: Instagram
Natutuwa ako sa lahat ng tumatawag sa akin na Patron Saint of Waldas. As in natatawa ako. Everyday may comment about it so sinakyan ko nang konti naman.

Aniya, maipagmamalaki niyang mahusay siyang mag-ipon at mag-manage ng kanyang finances para matustusan niya ang pangangailangan nilang mag-iina at pati ng kanyang mga magulang.

Read also

Sarah Lahbati, aminadong hindi na sila nagkakausap ni Richard Gutierrez

In reality, Im very proud to say that I'm good at saving, I'm good at finances I'm working hard to provide for my children and for myself and for my parents.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Sarah Lahbati ay isang Filipina-Moroccan actress at isang modelo. Ipinanganak noong Oktubre 9, 1993, siya ay nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Naging bahagi si Sarah ng mga finalists sa reality show na "StarStruck" ng GMA Network noong 2009.

Nanatiling tahimik si Sarah kaugnay sa isyung hiwalay na raw sila ng asawang si Richard Gutierrez. Ito ay sa kabila ng pagsasalita ni Annabelle Rama sa isang panayam ni MJ Felipe. Sa kanyang post ay pinakita ni Sarah ang kanyang bagong sasakyan habang nakasuot ng kanyang tennis attire. Ito umano ang kanyang mga bagong passion, ang paglalaro ng tennis at mga sasakyan.

Read also

Sandara Park, kinaaliwan sa kanyang paghataw sa overpass sa EDSA

Binahagi ni Sarah sa kanyang post ang kanyang throwback picture. Sa kanyang picture ay makikita ang date stamp na kuha noong 1996. Ilan sa mga netizens ang nakapansin na kamukha daw ni Zion si Sarah noong bata pa siya. Sinagot ito ni Sarah ng smiling emoji bilang pagsang-ayon sa komento ng netizen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate