Sandara Park, kinaaliwan sa kanyang paghataw sa overpass sa EDSA

Sandara Park, kinaaliwan sa kanyang paghataw sa overpass sa EDSA

- Binahagi ni Sandara Park ang isang video ng kanyang pagsasayaw habang nasa overpass sa EDSA

- Makikita sa kanyang likuran ang kanyang malaking billboard para sa kanyang inindorsong produkto

- Umani ng mga komento at reaksiyon ang post na ito ni Sandara na talaga namang kinaaliwan ng marami

- Kabilang ang dating mga kasamahang sina Joross Gamboa at Melissa Ricks sa mga nagkomento sa post niyang ito

Kinaaliwan ang binahaging video ni Sandara Park kung saan makikitang humahataw siya habang nasa isang overpass sa EDSA. Sa kanyang likuran ay ang malaking billboard ni Sandara para sa kanyang produktong iniindorso.

Sandara Park, kinaaliwa sa kanyang paghataw sa overpass sa EDSA
Sandara Park, kinaaliwa sa kanyang paghataw sa overpass sa EDSA
Source: Instagram

Marami ang natuwa sa post na ito ni Sandara. Maging ang dating mga kasamahang sina Joross Gamboa at Melissa Ricks ay nagkomento sa post niyang ito.

Samantala, narito ang ilang komento ng netizens:

Eto ung endorser na sulit ung binabayad ng ine endorse niya sa kanya.. promote kung promote tlaga

Read also

Dasuri Choi, pinabulaanang 3rd party siya: "I will never try to be a 3rd party in my life"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sobrang aliw huhu we love you ate Krung!!!
Oh goshh nsa SMNE ka lang huhuuuu

Si Sandara Park ay isang sikat na artista at mang-aawit mula sa South Korea. Nakilala siya sa iba't-ibang panig ng daigdig matapos mapabilang sa KPop group na 2NE1. Bago ang kanyang karera sa musika, sumali siya sa isang reality competition show sa Pilipinas noong dekada '90 na pinamagatang "Star Circle Quest," kung saan siya'y naging isang finalist. Matapos ang kanyang pananatili sa Pilipinas, bumalik siya sa South Korea upang sumali sa industriya ng K-pop.

Kamakailan ay kinaaliwan ang binahaging pictures at video ni Sandara na kuha sa kanyang pagpunta sa Dubai kamakailan. Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa Sky Views sa Dubai. Gawa sa salamin ang ilang bahagi ng sahig at maging ang slide kung saan siya nagpadausdos pababa kaya hindi napigilang mapasigaw ni Sandara. Sa isang picture ay napagapang pa ito sa salamin na sahig kung saan makikita kung gaano kataas ang kanyang kinaroroonan.

Read also

Mariel Padilla, nilinaw na vitamin C at hindi gluta ang kanyang drip

Kamakailan ay ibinida ni Sandara ang kanyang awiting "In or Out" sa kanyang Instagram post. Makikita ang K-Pop superstar na sumasayaw sa saliw ng awiting kanyang pinasikat matapos niyang maging bahagi ng Star Circle Quest. Marami naman ang naaliw at natuwa sa ginawang ito ni Sandara dahil sa kabila ng kasikatan ay hindi ito nakakalimot. May mga nagmungkahi pang dapat gawing Global Tourism Ambassador for the Philippines si Sandara.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel