Mariel Padilla, nilinaw na vitamin C at hindi gluta ang kanyang drip

Mariel Padilla, nilinaw na vitamin C at hindi gluta ang kanyang drip

- Nagpaliwanag si Mariel Padilla kaugnay sa isyu ng kanyang drip session sa opisina ng kanyang mister na si Sen. Robin Padilla

- Aniya, wala siyang intensiyon na i-disrespect ang senado kundi gusto lang daw niyang ipaalala na kahit abala ay huwag dapat pabayaan ang katawan

- Hindi din daw niya sinabing gluta ang kanyang drip at vitamin C daw ito

- Kaya daw niya binura ang kanyang naunang post ay dahil sa mga reaksiyon at may mga na-offend sa kanyang post

Nagpaliwanag si Mariel Padilla sa kanyang live selling video kaugnay sa isyu ng kanyang drip session kamakailan sa opisina ng kanyang asawa sa senado. Nilinaw niyang vit. C iyon at hindi gluta.

Mariel Padilla, nilinaw na vitamin C at hindi gluta ang kanyang drip
Mariel Padilla, nilinaw na vitamin C at hindi gluta ang kanyang drip
Source: Facebook

Ani Mariel, wala siyang masamang intensiyon. Kaya naman nang i-post niya yung picture ng kanyang drip session at napansin niya ang mga komento ay minabuti niya daw na burahin na lang.

Read also

Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"

Paliwanag pa niya, kampante siya dahil sa kanyang isip ay nasa opisina siya ng kanyang asawa. Nabanggit din niya na nais niyang ipaalala na sa kabila ng pagiging busy ay hindi dapat pinapabayaan ang kalusugan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Matatandaang nagbahagi ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinutukoy niyang fake account ay may handle na @marieltpadilla_. Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel