Andrea Brillantes, ibinida ang picture kasama si Rico Blanco: “Fangirl moment!"

Andrea Brillantes, ibinida ang picture kasama si Rico Blanco: “Fangirl moment!"

- Ibinida ni Andrea Brillantes ang kanyang fan girl moment kasama ang idolong si Rico Blanco

- Base sa kanyang binahaging post, nanood si Andrea ang Bobapalooza Music Festival 2024 kung saan isa si Rico sa mga performers

- Kaya naman ani Andrea, kahit malabo ang kuha nila sa picture niya kasama si Rico ay okay lang

- Ibinida niya rin ang kasiyahan na mapakinggan ang isa sa aniya'y paborito niyang OPM music na kinakanta ni Rico sa entablado

Ibinida ni Andrea Brillantes ang kanyang fangirl moment kasama ang idolong si Rico Blanco. Sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang picture nila.

Andrea Brillantes, ibinida ang picture kasama si Rico Blanco: “Fangirl moment!"
Andrea Brillantes, ibinida ang picture kasama si Rico Blanco: “Fangirl moment!"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa nauna niyang post sa TikTok kung saan pinakita niya ang kanyang outfit, naibahagi niyang pupunta siya sa Bobapalooza Music Festival 2024 kung saan isa si Rico sa mga performers.

Read also

Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"

Ani Andrea, kahit blurred ang picture ay ayos lang.

Fan girl moment! Kahit blurred it's okay huhu OMG
Andrea Brillantes, ibinida ang picture kasama si Rico Blanco: “Fangirl moment!"
Andrea Brillantes, ibinida ang picture kasama si Rico Blanco: “Fangirl moment!"
Source: Instagram

Base sa kanyang mga naibahagi sa social media, isa si Andrea sa mga artistang mahilig manood ng mga concerts ng kanyang mga iniidolo. Sa katunayan, ilang beses na rin siyang napapansin ng mga foreign performers sa kanilang mga concert.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Read also

Dasuri Choi, nasaktan sa mga bashers na nagsabing umuwi na siya sa Korea

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel