Luis Manzano, umalma sa nagsabing Rosie ang itawag sa anak niya at huwag nang Peanut

Luis Manzano, umalma sa nagsabing Rosie ang itawag sa anak niya at huwag nang Peanut

- Sinagot ni Luis Manzano ang isang netizen na nagkomento kaugnay sa tawag ng mag-asawang Luis at Jessy sa kanilang anak

- Aniya, sana ay Rosie na ang itawag nila sa anak at huwag nang Peanut dahil 'mani' daw ito sa Tagalog

- Sagot naman ni Luis, ipapacheck niya daw sa birth certificate kasi baka daw ang netizen na ito ang magulang ni Peanut

- Sinegundahan naman ito ni Jessy sa pamamagitan ng kanyang komento gamit lamang ang emoji

Sinagot ni Luis Manzano ang nagsabing Rosie na daw sana ang itawag nilang mag-asawa sa anak. Huwag na daw Peanut dahil 'mani' daw ito sa Tagalog.

Luis Manzano, umalma sa nagsabing Rosie ang itawag sa anak niya at huwag nang Peanut
Luis Manzano, umalma sa nagsabing Rosie ang itawag sa anak niya at huwag nang Peanut
Source: Instagram
Sana Rosie na tawag sa kanya~ peanut in tagalog is “ Mani”,

Ito ang komento ng isang Instagram user sa post sa Instagram page ni Isabella Rose Tawile Manzano, ang anak nina Luis at Jessy na mas kilala bilang si Peanut dahil ito ang tawag sa kanya ng kanyang mga magulang.

Read also

Mariel Padilla: "Because trending ako mag-sale tayo sa TikTok"

Sagot naman ni Luis, ipapacheck niya daw sa birth certificate kasi baka daw ang netizen na ito ang magulang ni Peanut.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Papa check ko po birth certificate nya kung sino po magulang, baka kayo po kase pala
Luis Manzano, umalma sa nagsabing Rosie ang itawag sa anak niya at huwag nang Peanut
Luis Manzano, umalma sa nagsabing Rosie ang itawag sa anak niya at huwag nang Peanut
Source: Instagram

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Dominic Roque, nakaabang umano sa tapat ng bahay ni Bea ayon sa source ni Ogie Diaz

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel