Ryan Bang, masayang nabuo kanyang broken family kahit isang araw lang

Ryan Bang, masayang nabuo kanyang broken family kahit isang araw lang

- Masayang binahagi ni Ryan Bang na kahit isang araw lang ay nakasama niya ang kanyang mommy at daddy

- Ito ay nang ipakilala niya ang kanyang girlfriend na si Paola Huyong sa kanyang mga magulang

- Matatandaang sa isang vlog niya ay nabanggit niyang pangarap niyang mabuo ang kanyang pamilya

- Handa daw siyang i-give up ang lahat matupad lang ang kanyang pangarap na ito kaya masaya siyang nangyari ito dahil sa girlfriend niya

Nabanggit ni Ryan Bang na masaya siya na nakasama niyang muli ang kanyang mommy at daddy na dati ay pinangarap niya lang mula nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang.

Sa panayam sa kanya ng Pikapika Ph, nabanggit niya na nangyari ito dahil sa kanyang girlfriend na si Paola Huyong.

Ryan Bang, masayang nabuo kahit isang araw lang ang kanyang broken family
Ryan Bang, masayang nabuo kahit isang araw lang ang kanyang broken family
Source: Instagram
"Isa lang wish ko sa buhay ko, gusto ko bati na ang mga magulang ko."

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

Ito ang kanyang naging pahayag sa isang vlog niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Handa raw siyang i-give up ang lahat matupad lang ang kanyang pangarap na ito kaya masaya siyang nangyari ito dahil sa girlfriend niya.

"Kaya kong mag-give up. Eto ikuwento ko, kaya kong i-give up lahat ng achievement ko, kaya ko i-give up lahat ng pera ko, kaya ko i-give up career ko, lahat kaya ko i-give up para magkabalikan ang mommy, daddy at saka ako. 'Yun promise galing sa puso ko,"

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalaunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Read also

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

Nakasama ni Ryan ang co-host niya sa It's Showtime na si Cianne Dominguez sa kanyang vlog. Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati. Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It's Showtime ay lagi silang tinutukso. Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho.

Naibahagi ni Ryan Bang sa madlang people na may girlfriend na siya. Nakwento ni Vice Ganda ang ginawa ni Ryan na pagtext sa kanya para ibalita ito. Si Vice Ganda raw ang una niyang sinabihan dahil ani Ryan ay dapat si Vice Ganda ang unang makaalam. Ani Vice Ganda, tinawagan niya si Ryan at naiyak daw ito nang makausap niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel