Carla Abellana, nakipag-collab kay Alex; kinabahan sa pag-walkout ni Uncle Jojo

Carla Abellana, nakipag-collab kay Alex; kinabahan sa pag-walkout ni Uncle Jojo

- Binahagi ni Alex Gonzaga ang unang pagkakataon na makilala niya nang personal si Carla Abellana

- Kinausap niya ito para i-prank daw ang kanyang Uncle Jojo na lingid sa kaalaman ni Carla ay kakuntsaba din ni Alex para i-prank siya

- Ang napag-usapan nila ni Carla ay magsasalita si Carla para ihayag ang pagtutol niya na i-vlog sila bilang magka-date

- Si Uncle Jojo naman ay magagalit din kunwari sa naging pahayag ni Carla

Inamin ni Carla Abellana na kinabahan siya na nagalit si Uncle Jojo sa kanyang mga sinabi sa prank na plinano nila ni Alex. Gayunpaman, nakatunog daw siya na siya ang pina-prank nang masyado nang masasakit ang mga sinabi ni Uncle Jojo sa kanya.

Carla Abellana, nakipag-collab kay Alex; kinabahan sa pag-walkout ni Uncle Jojo
Carla Abellana, nakipag-collab kay Alex; kinabahan sa pag-walkout ni Uncle Jojo
Source: Youtube

Ani Alex, napapayag daw niya si Carla na makipag-collab sa kanya. Kinausap niya ito na ipa-prank daw nila ang uncle ni Alex na kunwari ay i-blind date sila.

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

Kailangan daw magsalita si Carla para ihayag ang kanyang pagtutol na videohan sila bilang magka-date.

Si Uncle Jojo naman ay kinausap din ni Alex na kunwari ay ma-offend siya at magalit sa mga sinabi ni Carla.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaniwala daw nung una si Carla lalo at naiyak at namumula pa si Uncle Jojo.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Read also

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel