Francine Diaz, ibinida kay Seo In-guk ang ilang Pinoy food

Francine Diaz, ibinida kay Seo In-guk ang ilang Pinoy food

- Binahagi ni Francine Diaz sa kanyang YouTube channel ang isang panibagong video kung saan nakasama niya ang South Korean star na si Seo In-guk

- Kumasa ito sa challenge ni Francine na hulaan niya ang mga pinatikim niyang mga Filipino food

- Kabilang sa mga pagkaing inihain niya ay Biko, Sapin-sapin, Kikiam, Fish Balls at Kwek-kwek

- Karamihan sa mga nakain niyang ito ay nagustuhan naman niya maliban sa kutsinta dahil sa amoy nito

Kinaaliwan sina Francine Diaz at si Seo In-guk sa vlog na binahagi ni Francine. Ibinida ni Francine ang ilang Pinoy food sa South Korean singer-songwriter/actor.

Francine Diaz, ibinida kay Seo In-guk ang ilang Pinoy food
Francine Diaz, ibinida kay Seo In-guk ang ilang Pinoy food
Source: Youtube

Game naman na kumasa si Seo In-guk sa challenge ni Francine na hulaan ang pagkaing pinatikim sa kanya at i-rate ang mga ito.

Nahulaan naman nito ang pangalan kahit hirap sa pagbigkas at pag-alala ng mga pangalan ng pagkain. Kabilang sa mga pagkaing inihain niya ay Biko, Sapin-sapin, Kikiam, Fish Balls at Kwek-kwek.

Read also

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

Karamihan sa mga nakain niyang ito ay nagustuhan naman niya maliban sa kutsinta dahil sa amoy nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel