Ivana Alawi, sinurpresa ng Php50,000 ang isang masuwerteng jeepney driver

Ivana Alawi, sinurpresa ng Php50,000 ang isang masuwerteng jeepney driver

- Isang masuwerteng jeepney driver ang nagkaroon ng instant Php50,000 mula kay Ivana Alawi

- Hiniram lamang ng aktres ang minamanehong jeepney nito at laking gulat niya sa iniabot sa kanya ni Ivana

- Bukod dito, sa kada pasaherong sumasakay, binibigyan din ito ni Ivana ng Php1,000

- Matatandaang isa si Ivana sa mga kilalang personalidad na madalas tumulong sa kapwa lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya

Nagkaroon ng instant Php50,000 ang isang masuwerteng jeepney driver matapos mahiram ni Ivana Alawi ang sasakyan nito.

Ivana Alawi, sinurpresa ng Php50,000 ang isang masuwerteng jeepney driver
Ivana Alawi, sinurpresa ng Php50,000 ang isang masuwerteng jeepney driver (Ivana Alawi)
Source: Facebook

Kasama ng kilalang TikToker na si Euleen Castro na mas kilala bilang si Pambansang Yobab, naging barker for a day sina Ivana.

Sa bawat pasaherong sasakay sa hiniram na jeep, binibigyan ni Ivana ng Php1,000.

Nagugulat din ang mga ito na animo'y hindi makapaniwalang kasakay nila si 'Bubbles' ng Batang Quiapo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

Mula sa mga estudyanteng nadagdagan ang baon, hanggang sa mga small business owners na nadagdagan ang puhunan, maraming napasaya si Ivana sa kanyang surpresa sa kanila.

Samantala, humanga rin si Ivana sa driver na kanyang nausisa, nalaman niyang sa murang edad na siyam, marunong na umano itong magmaneho ng jeep na natutunan niya umano sa ama na isa ring tsuper.

Dahil dito, hindi nagdalawang isip si Ivana na handugan ito ng biyayang Php50,000 na ayon sa driver ay ibabahagi rin niya sa kanyang pamilya sa probinsya.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.4 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Ogie D sa faith healers ukol kay Kris: "Ang paniniwala ni Kris ay doon lang sa taas"

Kamakailan, nabanggit ni Ivana na mayroon umano siya ngayong dini-date. "My Heart is happy," ayon pa kay Ivana. Gayunpaman, nais ni Ivana na panatilihin ang pagiging pribado ng kanyang love life.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel