Lovi Poe, kabilang sa Hollywood movie na 'Bad Man' kasama sina Seann William Scott at Rob Riggle

Lovi Poe, kabilang sa Hollywood movie na 'Bad Man' kasama sina Seann William Scott at Rob Riggle

- Ibinahagi ni Lovi Poe ang screenshot ng isang news article kaugnay sa cast ng pelikulang "Bad Man"

- Kabilang sina Seann William Scott at Rob Riggle sa mga kasama niya sa naturang Hollywood film

- Ani Lovi, ito daw ang dahilan kung bakit siya nasa Alabama base sa kanyang mga post

- Bumuhos naman ang pagbati kay Lovi hindi lamang mula sa netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa Philippine showbiz

Nag-post si Lovi Poe ng isang screenshot ng article patungkol sa Hollywood film na Bad Man. Kabilang si Lovi sa mga cast nito kasama sina Seann William Scott at Rob Riggle.

Lovi Poe, kabilang sa Hollywood movie na 'Bad Man' kasama sina Seann William Scott, at Rob Riggle
Lovi Poe, kabilang sa Hollywood movie na 'Bad Man' kasama sina Seann William Scott, at Rob Riggle
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naibahagi din ni Lovi na ito ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa Alabama. Matatandaang bago ito ay nagpaalam siya sa kanyang seryeng Batang Quiapo kung saan siya ang isa sa mga pangunahing tauhan.

Read also

Chito sa Toronto gig ng PNE: "'Yung nagco-concert ka ta's kailangan mo ring magpakatatay"

Si Lourdes Virginia Moran Poe o mas kilala bilang si Lovi Poe ay isa sa mga sikat na Pinay actress, recording artist at endorser. Anak siya ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. Pinagbidahan niya ang ilang serye sa GMA-7 kagaya ng Bakekang at Ang Dalawang Mrs. Real.

Maging sina Toni Fowler at Lovi ay G na G din na kumasa sa 'Bakit malungkot ang beshy ko’ trend. Kinaaliwan ang mag-beshy sa binahaging video ni Toni kung saan maging si Lovi ay naki-tumbling at nakisayaw. Magkasama at matalik na magkaibigan ang karakter na ginagampanan nina Toni at Lovi sa 'FPJ's Batang Quiapo'. Kaya naman, napapasama sa mga post ni Toni si Lovi at na-prank na rin niya ito sa kanyang vlog.

Sa isang vlog ni Toni Fowler sinabi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya na-paprank ang kanyang bessy na si Lovi Poe sa seryeng 'Batang Quiapo.' Kaya naman, nagpaalam si Toni kay Coco Martin sa plano niyang prank kay Lovi. Pumayag naman daw si Coco pero aniya ay hindi niya kayang hindi tumawa pagdating sa pagpaprank kaya ang isa pang direktor ang naging kakuntsaba ni Toni sa kanyang prank. Hindi naman maitago ni Lovi ang kanyang stress habang kunwari ay nakikipagtalo si Toni sa kanilang direktor dahil aniya ay hindi naman ganun ang pagkakakilala niya kay Toni.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel