Kris Aquino: "Sana sa tulong ng dasal nyo mabigyan pa ko ng konting extension"
- Humiling si Kris Aquino ng patuloy na pagdarasal para sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdadaanang karamdaman
- Ani Kris, hiling niya na sa tulong ng mga dasal ng mga taong hiling din ang kanyang paggaling ay mabigyan siya ng konting extension
- Sa kabila ng kanyang sakit ay nakuha pa ni Kris na humiling na ipagdasal din ang kanyang mga mahal sa buhay na may sakit
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
- Bumuhos naman ang mensahe ng suporta at pagdarasal para sa tinaguriang Queen of All Media
Hiling ni Kris Aquino ang patuloy na pagdarasal para sa kanya sa gitna ng kanyang dinaranas na karamdaman. Aniya, sa tulong ng mga dasal ng mga taong hiling din ang kanyang paggaling ay mabigyan siya ng konting extension.
Aniya ay gusto pa niyang mabuhay sa kabila ng mahirap na pinagdadaanan niya.
I still want to live, i know the odds are against me- dahil ang puso hindi pwedeng diktahan pero sana sa tulong ng dasal nyo mabigyan pa ko ng konting extension.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Humiling din siya ng dasal para sa kanyang mga mahal sa buhay na may karamdaman din.
Pa birthday n’yo na please- i have a few loved ones and dear friends battling very difficult illnesses as well. PLEASE PRAY FOR THEM, too.
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .
Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh