Papi Galang, may makahulugang post tungkol sa gaslighting: "I’m soooo done"

Papi Galang, may makahulugang post tungkol sa gaslighting: "I’m soooo done"

- Nagbahagi si Papi Galang ng isang makahulugang mensahe kasunod ng kanyang mga naunang post

- Nagbahagi siya ng mensahe tungkol sa aniya'y 'gaslighting' ngunit muli ay wala siyang binanggit na pangalan

- Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Papi at kaibigang si Toni Fowler matapos nilang magkasagutan

- Kasalukuyang nasa ibang bahay na si Papi kasama ang mga anak at ang kanyang asawa

Nag-post si Papi Galang ng makahulugang mensahe tungkol sa aniya'y gaslighting. Umani ng komento ang post niyang ito kasunod ng pag-alis nila sa tinitirhan nina Toni Fowler.

Papi Galang, may makahulugang post tungkol sa gaslighting: "I’m soooo done"
Papi Galang, may makahulugang post tungkol sa gaslighting: "I’m soooo done"
Source: Facebook
Gaslighting at its finest I’m soooo done

Sa kabila ng kanyang pag-alis sa bahay na tinitirhan nina Toni, ginagamit pa rin ni Papi ang hashtag na #TOROFAMILY.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Toni Fowler: "Wag kang babalik ng iiyak-iyak ha? Panindigan mo yan"

Narito ang ilan sa mga komento sa kanyang post:

Tama Naman desisyon mo..pero matuto Ka lang maging mapanindigan
Ok na din nagsolo kau para matuto kayo sa buhay ng wla palagi naaasahan.
Hayaan mo na lang. Mas maganda padin ang nananahimik lang.

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng Toro family.

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukasn kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari. Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis. Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila.

Read also

Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakealaman lahat ng desisyon niya. Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni. Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate