Ogie Diaz, niyakap nang makita si Dominic: "Kasi alam kong malungkot siya that night"

Ogie Diaz, niyakap nang makita si Dominic: "Kasi alam kong malungkot siya that night"

- Naikwento ni Ogie Diaz ang pagkakataong nagkita sila kamakailan ni Dominic Roque

- Binati naman daw siya ng aktor na wala siyang ibang nagawa kundi ang yakapin ito

- Alam niyang malungkot daw ito at hindi iyon ang tamang pagkakataon na usisain si Dominic sa nangyari

- Matatandaang bukod kay Ogie, si Boy Abunda din ang nagsabing hiwalay na 'di umano sina Bea Alonzo at Dominic Roque

Sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, naikwento ni Ogie Diaz ang pagkakataong nagkita sila ni Dominic Roque kamakailan.

Ogie Diaz, niyakap nang makita si Dominic: "Kasi alam kong malungkot siya that night"
Dominic Roque (@dominicroque)
Source: Instagram

Aniya, natutuwa pa rin siya umano kay Dominic na sa kabila ng kontrobersyang kinakaharap nila ngayon ni Bea Alonzo, nakuha pa rin nitong lumabas sa publiko upang magbigay respeto at makiramay sa mga naiwan ng kilalang producer na si Deo Endrinal.

"Ako sa totoo lang, hindi yun ang tamang pagkakataon para uriratin ko si Dominic. Pero tinext ko naman siya. Di nga lang niya ako sinagot. Pero nung nagkita kami, binati naman ako ni Dominic. Oo, e dahil alam ko naman na ang ending ng kanilang relasyon, tinawag ko si Dominic, sabi ko Dom... payakap nga."

Read also

Xian Gaza, mga celebrities din umano ang source sa nasagap ukol sa hiwalayang Bea at Dominic

"Niyakap ko lang siya. Kasi alam kong malungkot siya that night. Tapos iniwan ko na sila ni Vice Ganda. Sila na nag-uusap"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang bago si Boy Abunda, si Ogie Diaz ang unang naghatid ng balitang hiwalay na 'di umano sina Dominic at Bea Alonzo.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nito lamang Pebrero 6, gumawa ng ingay si Boy Abunda nang 'di umano'y kumpirmahin niya ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Read also

Boy Abunda: "'Pag nagkaayos sina Bea at si Dominic, no wedding is going to happen this year"

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica