Cheska Kramer, ibinida ang talento ni Kendra sa pagtugtog ng drums

Cheska Kramer, ibinida ang talento ni Kendra sa pagtugtog ng drums

- Ibinahagi ni Cheska Kramer ang video ng pagtugtog ni Kendra Kramer ng drums

- Makikita sa Instagram story ni Cheska ang pagda-drums ni Kendra na sinasabayan niya ng pagkanta ng awiting Sway

- Bukod sa pagda-drums sinusuportahan ng mag-asawa ang kanilang mga anak sa mga hilig nila maging sa sports

- Si Kendra ang panganay sa tatlong anak nina Cheska Garcia at Doug Kramer

Ibinida ni Cheska Garcia-Kramer ang video ng pagtugtog ng drums ng panganay na anak na si Kendra. Sinasabayan pa nito ng pagkanta ang kanyang pagtugtog ng drums.

Cheska Kramer, ibinida ang talento ni Kendra sa pagtugtog ng drums
Cheska Kramer, ibinida ang talento ni Kendra sa pagtugtog ng drums
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa binahaging Instagram story ni Cheska, makikita si Kendra na kumakanta ng awiting Sway. Maririnig din sa video ang pagpuri ni Doug sa anak.

Bukod sa pagda-drums sinusuportahan ng mag-asawa ang kanilang mga anak sa mga hilig nila maging sa sports. Ang pangalawang anak nilang si Scarlet ay nakatanggap ng award sa Taekwondo sparring tournament. Nag-compete din si Kendra sa swimming at si Gavin naman ay sa basketball ang hilig.

Read also

Enrique Gil, sinabing sila pa rin ni Liza Soberano: 'We're just super busy'

Cheska Kramer, ibinida ang talento ni Kendra sa pagtugtog ng drums
Cheska Kramer, ibinida ang talento ni Kendra sa pagtugtog ng drums
Source: Instagram

Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Sa kanilang YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug at Chesca ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak. Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila. Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.

Matatandaang binahagi ni Doug ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school. Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin. Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school. Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate