Enrique Gil, sinabing sila pa rin ni Liza Soberano: 'We're just super busy'

Enrique Gil, sinabing sila pa rin ni Liza Soberano: 'We're just super busy'

- Pinbulaanan ni Enique Gil ang breakup rumors tungkol sa kanila ni Liza Soberano

- Sa panayam sa kanya ni Gretchen Fullido ay sinabi niyang okay sila at busy lang sila sa kani-kanilang mga career

- Ayon pa kay Enrique, napagtanto nila na mas mapapaigi nila ang sarili nilang mga career kahit hindi sila magkasama

- Parehas silang supportive sa kani-kanilang mga pelikula at sa katunayan ay suportado din siya ni Liza sa kanyang pelikulang I Am Not Big Bird

Pinabulaanan ni Enrique Gil ang lumabas na bali-balitang hiwalay na sila ni Liza Soberano. Sa panayam sa kanya ni Gretchen Fullido ay nabanggit niyang parehas lang silang abala ni Liza.

Enrique Gil, sinabing sila pa rin ni Liza Soberano: 'We're just super busy'
Enrique Gil, sinabing sila pa rin ni Liza Soberano: 'We're just super busy'
Source: Youtube

Napagtanto daw nilang hindi naman kailangang naka-sentro sila sa isa't-isa.

I think we just, you know, realized na in life, parang we shouldn't always be centered around each other... We can do more, grow more... and we can achieve more. And it just makes us better.

Read also

Pauleen Luna, ibinida ang picture nila ni Baby Mochi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Parehas silang supportive sa kani-kanilang mga pelikula at sa katunayan ay suportado din siya ni Liza sa kanyang pelikulang I Am Not Big Bird.

Si Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina. Namataan si Liza ng isang talent scout noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager na si Ogie Diaz.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbati ni Enrique Gil sa kaarawan ni Liza. Binahagi ni Enrique ang ilan sa mga pictures nilang magkasama sa kanyang social media post. Maikli ngunit nakakakilig ang naging mensahe ni Enrique kay Liza. Ikinatuwa naman ng mga netizens na makitang maayos pa rin ang relasyon nila sa kabila ng lumalabas na espikulasyon.

Read also

Mommy Pinty, kinagiliwan nang tawagin nitong Rosmar si Viy Cortez

Samantala, naging usap-usapan din ang ginawang makeup transformation ni Patrick Starrr kay Liza sa kanyang binahaging video. Kamakailan ay nagkasama sina Liza at Patrick sa isa sa kanyang vlogs. Sa naturang video na umabot sa 16 minuto, beauty queen makeup transformation ang ginawa ni Patrick. Marami sa mga netizens ang namangha sa "Miss Universe" transformation ni Liza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel