Ogie Diaz, 'napanaginipang' magpapakasal umano sina Carlo at Charlie: "Pero secret marriage"

Ogie Diaz, 'napanaginipang' magpapakasal umano sina Carlo at Charlie: "Pero secret marriage"

- Umano'y napanaginipan daw ni Ogie Diaz sina Carlo Aquino at Charlie Dizon

- Aniya, magpapakasal daw ito kahit pa secret marriage kaya tinatapos lang daw nito ang kani-kanilang mga projects at engagements

- Pagbibiro ni Mama Loi, tila hindi ginamit ni Ogie ang mga salitang "nakarating" o 'narinig'

- Matatandaang gumulantang sa publiko ang kumpirmasyon ng dalawa noong nakaraang taon na sila umano'y nagkakamabutihan na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Ogie Diaz sa pinakabago niyang Showbiz Update na napanaginipan niya umano ang magkasintahang sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Ogie Diaz, 'napanaginipang' magpapakasal umano sina Carlo at Charlie: "Pero secret marriage"
Charlie Dizon and Carlo Aquino (@jose_liwanag)
Source: Instagram

Sa kanya raw panaginip, magpapakasal ang dalawa.

"Nanaginip ako na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon daw ay nagbabalak na magpakasal. Pero secret marriage."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Ogie D kay Kim Chiu sa It's Showtime: "Di niya pwedeng i-promote ang Linlang"

Biro naman ni Mama Loi, "For a change ah, hindi narinig o nakarating" na tila ginamit lamang ni Ogie ang salitang panaginip sa kanya 'di umanong nasagap.

"Anyway panaginip lang naman yun... Nakilala na raw ni Carlo 'yung parents ni Charlie. Tapos bahagi pa ng panaginip ko parang tinatapos nila yung mga trabaho nila."

"Ayon sa panaginip ko, tatapusin lang yung Whispers in the Wind. opposite Barbie Imperial na kukunan sa Japan o kinukunan ngayon sa Japan," dagdag pa nito.

At dahil sinasabi niyang panaginip lamang ito, maaring maging kabaliktaran ang mangyayari.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay unang nakilala bilang isang child star. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Lalo na ang naging kanyang famous lines sa pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?” kung saan nakasama niya ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Read also

Cristy, may nasagap kay Direk Darryl tungkol kay Karla: "Palagay ko naman hindi naghihirap"

Samantala, naging usap-usapan ang perfromance ni Carlo sa Miss Bacolod noong nakaraang taon 2023. Tila naihanay din si Carlo sa ilang mga male celebrities na naimbitahang mag-serenade sa pageant subalit agaw eksena ang naging performances ng mga ito na mabilis na nag-viral.

Pinayuhan din siya ni Ogie Diaz na magsilbing aral ito sa mga susunod na performances maging sa ibang mga celebrities na umano'y tatanggap ng raket. Para umano makaulit, nararapat lang na ito ay paghandaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel