Ogie D kay Kim Chiu sa It's Showtime: "Di niya pwedeng i-promote ang Linlang"

Ogie D kay Kim Chiu sa It's Showtime: "Di niya pwedeng i-promote ang Linlang"

- Nabanggit ni Ogie Diaz ang umano'y dahilan ni Kim Chiu kung bakit 'di nito ma-promote ang "Linlang"

- Ito ay sa noontime show na kinabibilangan niya, ang "It's Showtime"

- Dagdag pa ni Ogie, kung marami ang natuwa nang mapanood ito sa Prime, may ilang karagdanang eksena na kaabang-abang ngayong mapapanood na ito sa free TV

- Isa lamang ang "Linlang" sa mga bumubuhos na proyekto ni Kim Chiu mula sa taong 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang teleseryeng Linlang ni Kim Chiu.

Ogie D kay Kim Chiu sa It's Showtime: "Di niya pwedeng i-promote ang Linlang"
Ogie D kay Kim Chiu sa It's Showtime: "Di niya pwedeng i-promote ang Linlang" (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Marami umano ang nakapansing tila hindi manlang mabanggit ni Kim ang nasabing serye sa noontime show na kanyang kinabibilangan, ang It's Showtime.

Read also

Melai at Anthony, kinagiliwan nang i-remake ang 'Mama mo' scene ng 'Snooprene' ng CBML

Napakaganda sanang pagkakataon kung kanya itong mapo-promote sa nasabing daily noontime show subalit 'di nito magawa.

"Ang It's Showtime ay palabas din sa GTV. E may sarili ring teleserye ang GMA7 na sister company ng GTV. So di niya pwedeng i-promote ang Linlang. Much as she wanted to promote Linlang, 'yun nga nasa GTV rin sila," paliwanag ni Ogie Diaz.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa lamang ang Linlang sa mga umaapaw na proyekto kay Kim na labis namang ikinatuwa ng kanyang fans lalo na at kagagaling lamang umano ni Kim sa heartbreak na dulot ng paghihiwalay nila ni Xian Lim sa pagtatapos ng taong 2023.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie Diaz:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Read also

Anne Curtis, ibinida ang kanyang new look: "'Ako lang 'to guys'"

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang isa pa muling hiwalayan at ito ay ang real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel