Melai at Anthony, kinagiliwan nang i-remake ang 'Mama mo' scene ng 'Snooprene' ng CBML

Melai at Anthony, kinagiliwan nang i-remake ang 'Mama mo' scene ng 'Snooprene' ng CBML

- Kinagiliwan sina Melai Francisco at Anthony Jennings nang i-remake nila ang trending na 'Mama mo' scene

- Ito ay ang eksena nina Maris Racal at Anthony na kinagiliwan ng marami

- Bukod sa tambalang DonBelle, kinagigiliwan din ng marami ang makulit na tambalan nina Maris at Anthony na tinatawag nilang 'Snooprene'

- Isa ang "Can't Buy Me Love" sa pinaka-aabangan gabi-gabi na mapapanood din sa Netflix

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan ng marami sina Melai Cantiveros at Anthony Jennings nang i-remake nila ang trending 'Mama mo' scene ng Can't Buy Me Love.

Melai at Anthony, kinagiliwan nang i-remake ang 'Mama mo' scene ng 'Snooprene' ng CBML
Melai Cantiveros and Anthony Jennings (Magandang Buhay, ABS-CBN)
Source: Youtube

Ito ay eksena nina Anthony at Maris Racal kung saan nagsimulang bansagan ang kanilang tambalan na 'Snooprene.'

Si Melai ang gumanap na 'Irene Tiu' habang si Anthony ay nanatiling si Snoop.

Pati bangs ni Irene at suot nitong dilaw sa eksena ay ginaya ni Maris.

Read also

Dominic Roque, ibinida ang bonding moments nila ng kanyang mga kaibigan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilang komento ng netizens:

"Melai is hilarious! More projects for her."
"Grabe Melai ang tawa ko! Ang kulit ni Snoop, in character pa rin kahit hindi si Maris ang kaeksena"
"Ang kulit. Natawa na ako kina Snoop at Irene sa 'Mama mo' scene pero mas lalo ako naaliw nung si Melai pa ang nagdeliver."

Narito ang kabuuang remake mula sa Magandang Buhay ng ABS-CBN:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Noong nakaraang taong 2023, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Read also

Janno Gibbs, idinetalye ang huling usap nila ng ama: "I think he made sure na tulog ako"

Naging bahagi si Melai ng noontime show na It's your Lucky Day. Ito ang programang pansamantalang pumalit sa It's Showtime habang hinaharap nito ang kanilang 12-day suspension ng MTRCB. Kasama ni Melai sa nasabing noontime show sina Luis Manzano, Robi Domingo, FranSeth, mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, Divine Tetay at Petite.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel