Francine Diaz, nagdiwang ng birthday sa Korea kasama si Seo In-guk

Francine Diaz, nagdiwang ng birthday sa Korea kasama si Seo In-guk

- Marami ang napa-sana all sa video ni Francine Diaz kung saan kabilang ang Korean actor na si Seo In-guk sa kumakanta ng birthday song sa kanya

- Makikita din sa video ang ilang Korean at ang kanyang manager na si John Ling

- Naibahagi din ni Francine ang isang TikTok video kung saan kasama niya si Seo In-guk na sumasayaw

- Ang kaarawan ni Francine ay sa darating na January 27 pa ngunit habang nasa Korea ay mayroon silang advance celebration

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang ang Korean actor na si Seo In-guk sa mga nasa early birthday celebration ni Francine Diaz sa Korea. Marami ang napa-sana all kay Francine na mismong ang Korean actor ay kinantahan siya.

Francine Diaz, nagdiwang ng birthday sa Korea kasama si Seo In-guk
Francine Diaz, nagdiwang ng birthday sa Korea kasama si Seo In-guk
Source: Facebook

Sa naturang video ay katabi ni Francine sa upuan ang Korean actor at kinakantahan siya ng English at Korean version ng Happy Birthday.

Read also

Ray Parks, ibinida ang picture ni Lucas matapos nitong magsimba

Makikita din sa video ang ilang Korean at ang kanyang manager na si John Ling.

Narito ang ilan sa mga komento:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hakot award pa,hakot endorcement pa hakot project pa pati ibang country iba na talaga ang chinny
Isang malaking SANA ALL!
Omg.how to be you Francine?

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Read also

Miles Ocampo, sa pagiging isang Eat Bulaga host: "Parang isa 'yun sa malaking 360 ng buhay ko"

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel