Ray Parks, ibinida ang picture ni Lucas matapos nitong magsimba

Ray Parks, ibinida ang picture ni Lucas matapos nitong magsimba

- Ibinahagi ni Bobby Ray Parks ang picture na na-post sa Instagram account ni Lucas Harake

- Makikita sa post ang picture ni Lucas na nakatawa kalakip ang caption na nagsasabing katatapos lang niya magsimba

- Ani Ray, mukhang nag-enjoy ang anak nila sa kanyang pagpunta sa church

- Sa mismong post ni Lucas ay nagkomento pa si Ray at pinangalandakang anak niya si Lucas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Ray Parks ang picture ni Lucas Harake sa kanyang Instagram story. Sa mismong post ni Lucas ay nagkomento pa si Ray at pinagmalaking anak niya si Lucas.

Ray Parks, ibinida ang picture ni Lucas matapos nitong magsimba
Ray Parks, ibinida ang picture ni Lucas matapos nitong magsimba
Source: Instagram

Samantala sa kanyang IG story ay nakalagay sa caption ni Ray na mukhang nag-enjoy daw ang anak nila sa kanyang pagpunta sa church.

"Im guessing you had fun going to church today, my son ,"

Read also

Zeinab Harake, nawindang sa mga regalo ni Ray Parks: "May spongkey na ako, nakakaiyak"

Kasalukuyang kasama naman ni Ray ang mommy ni Lucas na si Zeinab matapos nitong pumunta sa Japan kamakailan para bisitahin ang boyfriend. Nasa Japan si Bobby Ray para sa bagong season ng professional basketball tournament na B. League kung saan naglalaro siya para sa koponang Nagoya Diamond Dolphins.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Read also

Kathryn Bernardo, ni-like ang post ng kaibigan tungkol sa 'mistake repeated more than once'

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel