Janno Gibbs, naniniwalang napapanahon ang pagpapalabas ng pelikula nila ng kanyang ama

Janno Gibbs, naniniwalang napapanahon ang pagpapalabas ng pelikula nila ng kanyang ama

- Para kay Janno Gibbs, napapanahon ang pagpapalabas ng pelikula nila ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez

- Naging emosyonal ang aktor dahil aniya ay hindi maganda ang huling image ng kanyang ama at umaasa siyang mapanood ng mga tao ang husay nito sa pelikula

- Sa video na binahagi ng PopLife.Ph sa Instagram, nabanggit ni Janno na hindi naging mahirap ang pag-direct niya sa kanyang ama sa naturang pelikula

- Aniya, ramdam niya ang suporta ng ama at napuri pa siya nito sa ginawa niyang script

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Janno Gibbs, 'best parting gift' ng kanyang amang si Ronaldo Valdez ang pelikulang Itutumba Ka ng Tatay Ko. Sa video na binahagi ng PopLife.Ph sa Instagram, sinabi ni Janno na nais niyang maalala ng mga tao ang ama at mabura ang kung anumang hindi magandang mga imahe ng ama kasunod ng pagpanaw nito.

Read also

Serena Dalrymple, nagbahagi ng update sa pagbubuntis: "10 weeks to go!"

Janno Gibbs, naniniwalang napapanahon ang pagpapalabas ng pelikula nila ng kanyang ama
Janno Gibbs, naniniwalang napapanahon ang pagpapalabas ng pelikula nila ng kanyang ama
Source: Instagram

Hindi napigilan ni Janno na maiyak pero aniya, naniniwala siyang ito din ang legasiya ng kanyang ama. Bukod sa ito ang huling pelikula ng ama, ito din ang kauna-unahang pelikulang siya ang direktor.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ronaldo Valdez ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong January 27, 1947. Bukod sa pagiging aktor, naging bahagi rin siya ng iba't ibang proyektong sining tulad ng teatro. Kilala si Valdez sa kanyang mahusay na pagganap at sa pagiging bahagi ng maraming pelikula at palabas sa telebisyon sa bansa.

Kinumpirma ni Janno ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama sa pamamagitan ng isang social media post. Hiling daw ng kanilang pamilya na irespeto ang kanilang privacy sa kanilang pagluluksa. Bumuhos ang pakikiramay kay Janno at sa kanilang pamilya sa pagkawala ng batikang aktor. Lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng ama niya noong December 17 2023.

Read also

Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"

Samantala, sinibak sa pwesto ang dalawang QCPD police matapos kumalat ng video ng pagresponde sa aktor na si Ronaldo Valdez. Marami ang naalarma sa naturang video na umano'y kuha sa aktwal na sitwasyon ng aktor sa loob ng kanyang silid noong Disyembre 17. Labis na ikinagalit ng manager ni Valdez na si Jamela Santos ang pagkalat ng video. Sa kanyang social media post, nasabi niyang mananagot ang kung sinumang bumastos sa legasiya ng batikang aktor tulad ni Ronaldo Valdez.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate