Janno Gibbs, 'di na sasampahan ng kaso ang mga nagpakalat ng video ng ama

Janno Gibbs, 'di na sasampahan ng kaso ang mga nagpakalat ng video ng ama

- Nagdesisyon ang pamilya nina Janno Gibbs na hindi na sasampahan ng kaso ang mga umano'y nagpakalat ng video ama

- Aniya, hindi matutumbasan ng salapi o panahong ilalagak sa bilangguan ng mga salarin ang sakit at umano'y trauma na naidulot nito sa kanilang pamilya

- Tinulungan na rin siya ni Atty. Lorna Kapunan, ang kanyang abogado sa pagpapaliwanag ng kung ano ang inaasahan ng pamilya ni Janno sa 'di nila pagsasampa ng kaso

- Ilang araw matapos na pumanaw ang batikang aktor na si Ronaldo Valdez, mabilis na kumalat ang video ng kuha sa kanyang mga huling sandali

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napagdesisyunan na umano ng pamilya ni Janno Gibbs na hindi na sasampahan ng kaso ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat umano ng video ng huling sandali ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez.

Read also

Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"

Janno Gibbs, 'di na sasampahan ng kaso ang mga nagpakalat ng video ng ama
Janno Gibbs and Ronaldo Valdez (@jannolategibbs)
Source: Instagram

Matatandaan na ilang araw ang makalipas na pumanaw ang batikang aktor, mabilis na kumalat ang video nito na kuha sa loob ng kanyang silid.

Sa press conference ni Janno at kanyang pamilya kaugnay sa imbestigasyon ng kaso ng pagkamatay ng ama, ilan ang nagtaka kung bakit hindi na kakasuhan ang mga nagpakalat ng video maging ang mga nagpakalat ng fake news tungkol dito.

Pinaliwanag naman ni Janno ang kanilang dahilan kaugnay nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Personally, we want to. Pero ang dami. Sa dami nun, most of them are anonymous. I understand 'yung iba sa kanila nasa ibang bansa. Medyo mahirap. As much as we want to, mahirap... mahirap. Masarap sanang masampolan manlang ang isa."
"No amount of damages, pera, no amount of ... can erase the trauma. Nandiyan na e. Nangyari na... No amount of money or jail time will erase this. It's already there. At nandito pa rin. We're still traumatized. Kahit maparusahan na sila, traumatized na kami e"

Read also

Janno Gibbs, umano'y napamura sa nagpakalat ng video ng ama: "Shame on you"

Gayunpaman, umaasa ang kanilang pamilya na magkakaroon ng public apology ang dapat na managot.

Tinulungan siya ng kanyang abogadong si Atty. Lorna Kapunan sa pagpapaliwanag ng nais sanang mangyari ng pamilya nina Janno.

"Sino dapat ang mag-apologize? Siguro hindi lamang yung mga sinasabing investigating officers kasi tatlong pangalan ang nakalagay sa report. Siguro yung superiors nila should apologize. Because under the doctrine of the command of responsibility, they are equally liable for the acts of their subordinates."
"The same na kinalat 'yung video na 'yun, it must be the same prominence na mag-apologize sila. Kung kinalat nila ang video sa public, o nag-leak sila ng video, with the same prominence, the apology must be as public and as widespread. Sincere apology 'yan kasi December 17 'yun. Mag-one month pa lang, e andami-dami nang umiikot. And the family is still being harrassed no, pinapaunta sa station para kumuha ng kopya ng report."

Read also

Gloc-9, ikinuwento paano noon napapayag si Boy Abunda sa music video ng 'Sirena'

Narito ang kabuuan ng naturang press conference na ibinahagi rin ng ABS-CBN:

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon. Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ronaldo bago siyang pumanaw ay ang '2 Good 2 Be True' ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakilala siya sa naturang serye bilang si 'Lolo Sir' na talagang tumatak di lamang sa Kathniel Fans kung maging sa mga sumubaybay ng serye at sa mga kapwa aktor na nakasama niya roon.

Katunayan, isa si Kathryn sa nagpaabot ng pagkalungkot at pakikiramay nang lumabas ang balitang pumanaw na ang kanyang 'Lolo Sir'. Ilan sa kanyang mga social media post ay patungkol kay Ronaldo Valdez na aniya'y para na rin niyang tunay na lolo o grandfather.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica