Huling pelikula ni Ronaldo Valdez kasama ang anak na si Janno Gibbs, mapapanood ngayong Enero

Huling pelikula ni Ronaldo Valdez kasama ang anak na si Janno Gibbs, mapapanood ngayong Enero

- Tuloy pa rin ang showing ng huling pelikulang ginawa ng yumaong aktor na si Ronaldo Valdez

- Matatandaang sa birthday post ni Janno Gibbs sa kanyang ama noong Nobyembre 2023, nabanggit niya ang tungkol sa kanilang pelikula

- Ito ang una at huling pagkakataong naging direktor siya ng amang si Ronaldo Valdez

- Disyembre 17 nang gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ni Ronaldo Valdez lalo pa at aktibo pa siya noon sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tuloy na tuloy pa rin umano ang showing ng huling pelikulang nagawa ng yumaong aktor na si Ronaldo Valdez.

Huling pelikula ni Ronaldo Valdez kasama ang anak na si Janno Gibbs, mapapanood ngayong Enero
Ronaldo Valdez and Janno Gibbs (@jannolategibbs)
Source: Instagram

Kinumpirma mismo ito ng anak na si Janno Gibbs gayung isa ito sa natanong sa isinagawang press conference kaugnay pa rin sa imbestigasyon ng pagkamatay ng ama.

"Tuloy 'yung movie, on the 24th. It's showing on the 24th. It's not easy to move playdates. I think it's a good thing for my dad and our family. It's one of the best parting gifts a dad can leave a son and his family," naluluhang nasabi ni Janno.

Read also

Janno Gibbs, umano'y napamura sa nagpakalat ng video ng ama: "Shame on you"

Ito ang unang pagkakataon na maging direktor ng ama sa pelikula kung saan mag-ama rin ang kanilang role.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa birthday greeting ni Janno sa ama noong Nobyembre ng nakaraang taon, inalala ng mga netizens ang birthday greeting ni Janno Gibbs sa amang si Ronaldo noong Nobyembre. Sa naturang post, nabanggit ni Janno ang tungkol sa pelikula nila ng kanyang ama na mapapanood sa mga sinehan sa Enero.

"What a joy to share the screen w/ you. And such a priviledge to have directed you. We had fun,didnt ddnt we?! Labyu. Our film arrives in cinemas this January"

Samantala, narito ang kabuuan ng nasabing press conference na naibahagi rin ng ABS-CBN:

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon. Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Read also

Vietnamese na babaeng iniuugnay kay Daniel Padilla, umalma sa pambabatikos sa kanya

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ronaldo bago siya pumanaw ay ang '2 Good 2 Be True' ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakilala siya sa naturang serye bilang si 'Lolo Sir' na talagang tumatak di lamang sa Kathniel Fans kung maging sa mga sumubaybay ng serye at sa mga kapwa aktor na nakasama niya roon.

Agad ding nabalikan ng netizens ang birthday post ng anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs kung saan nabanggit nito ang kanilang pelikula na inaasahang ipalabas sa Enero ng 2024. Ayon pa sa post ni Janno sa huling kaarawan na pala ng kanyang ama noong Nobyembre, masaya siyang naging direktor ng kanyang ama. Makikitang nagkomento pa roon si Ronaldo at sinabing proud siya kay Janno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica