Miles Ocampo, naikwento ang pagiging cancer-free: "'Yung meds ko, habang buhay na siya"
- Naidetalye ni Miles Ocampo sa panayam sa kanya ni Karen Davila ang tungkol sa pinagdaanang karamdaman
- Matatandaang sumailalim ito sa Thyroidectomy surgery noong nakaraang taon upang tanggalin ang kanyang thyroid glands
- Hindi niya alam na cancer na pala ito at nalaman lamang matapos ang matagumpay na operasyon
-Sa ngayon, bagama't cancer-free na raw si Miles, patuloy pa rin ang kanyang mga gamot
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, bahagyang naidetalye ni Miles Ocampo ang pinagdaanan niya nang siya ay ma-operahan.
Halos kapapasok pa lamang noon ng 2023 na sa kabila ng kanyang mga proyekto, tila sumabay naman ang pagsubok sa kanyang kalusugan.
Naikwento niya kay Karen Davila ang mga pauna niyang naramdaman bago siya noon nagdesisyong magpa-ospital.
"Ayaw pa nilang sabihin 'yung cancer sa akin Ms. Karen... Kung hindi ko po siya naagapan, posible po siyang kumalat"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Thyroidectomy surgery ang ginawa kay Miles kung saan tinanggal ang kanyang kanyang thyroid glands.
"Nalaman kong cancer siya 'nung after na nung operation," ani Miles.
Sa ngayon, masasabi niyang cancer-free na siya subalit buong buhay na umano siyang may maintenance para rito.
"I'm now cancer-free. But 'yun nga maintenance for life. 'Yung meds ko, habang buhay na siya and doon na ako naka-base kumbaga 'yung weight ko rin. 'Dun na siya magbi-base kung papayat o tataba kasi every 2 months kailangan kong magpa-blood test para i-check kung i-adjust ba yung dosage ganyan
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Karen Davila:
Si Miles Ocampo o Camille Tan Hojilla sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, model, writer, at singer. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN gag show Goin' Bulilit. Naging bahagi siya ng Star Magic. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.
Sa ngayon, isa si Miles sa mga co-host ng E.A.T. kung saan nasabi niyang isa umano ito sa kanyang mga unexpected blessings. At sa pilot episode ng FPJ: Batang Quiapo, nag-trending ang husay niya sa pagganap bilang batang Cherry Pie Picache. Kabi-kabilang papuri ang natatanggap niya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging sa mga kapwa niya artista.
Samantala, isa si Miles sa mga artistang nauwi sa hiwalayan ang relasyon ngayong 2023. Sa kabila nito, nilinaw ni Miles na maayos ang kanilang paghihiwalay ni Elijah Canlas at hindi sila galit sa isa't isa. Mapapanod si Elijah sa seryeng Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh