Cristy, nabalitaang lagi umanong lasing si Daniel Padilla

Cristy, nabalitaang lagi umanong lasing si Daniel Padilla

- Nakarating kay Cristy Fermin na lagi umanong lasing si Daniel Padilla

- Ito ay kaugnay pa rin ng hiwalayan nila ng long time partner na si Kathryn Bernardo

- Matatandaang minsan nang umugong ang balitang nais umanong makipagbalikan ni Daniel

- Lalo na sa mga nakikita ng publiko na kuha sa dalawa sa mga latest events na nadadaluhan ng Kathniel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang umano'y nakarating kay Cristy Fermin na paglalasing 'di umano ni Daniel Padilla.

Cristy, nabalitaang lagi umanong lasing si Daniel Padilla
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (@supremo_dp)
Source: Instagram

Ito'y kaugnay pa rin ng kontrobersyal na hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo na kanilang kinumpirma noong Nobyembre 30 ng nakaraang taon.

Sa ipinapakita umano ni Daniel na tila matatag daw ito sa hiwalayan, salungat daw ito sa kanilang nababalitaan.

Read also

Cristy, nasagap na 'di raw boto ang pamilya ni Kim kay Xian: "Maaaring may nakikita silang kakaiba"

"Bakit ang kwento nga, laging lasing si Daniel ngayon?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tila doon daw umano kumukuha ng lakas ng loob si Daniel sa pagbabakasakaling makakabalik pa ito kay Kathryn.

Gayunpaman, pinayuhan ito ni Cristy na mas mainam kung magpakumbaba na lamang ito si Daniel na sa ganoong paraan, baka mas mabigyan pa siya ng tsansa ni Kathryn.

"Aminin mo nalang ang katotohanan at baka sakaling meron pang pwersa na magtulak kay Kathryn palapit sa'yo"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Daniel Padilla ay isang aktor at modelo sa Pilipinas. Anak siya ni Karla Estrada at aktor na si Rommel Padilla. Mas naging matunog ang pangalan ni Daniel nang pumatok sa publiko ang love team nila ni Kathryn Bernardo na kanyang naging totoong kasintahan sa loob ng 11 na taon.

Read also

Ogie D sa viral pic nina Barbie at Richard: "Nagkatabi lang sila for how many minutes daw"

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

At noong Nobyembre 30 ng nakaraang taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel