Cristy, nasagap na 'di raw boto ang pamilya ni Kim kay Xian: "Maaaring may nakikita silang kakaiba"

Cristy, nasagap na 'di raw boto ang pamilya ni Kim kay Xian: "Maaaring may nakikita silang kakaiba"

- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang nakarating sa kanya tungkol kay sa pamilya ni Kim Chiu

- Noon pa man ay hindi na raw talaga ito boto kay Xian Lim

- Kapansin-pansin na wala umanong larawan si Xian kasama si Kim

- At kung mayroon man at malimit na hindi na halos maalala ng mga posibleng nakakita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Cristy Fermin ang umano'y nakarating sa kanyang impormasyon kung saan hindi raw pala umano boto ang pamilya ni Kim Chiu kay Xian Lim noon pa man.

Cristy, nasagap na 'di raw boto ang pamilya ni Kim kay Xian: "Maaaring may nakikita silang kakaiba"
Xian Lim and Kim Chiu (@xianlimm)
Source: Instagram

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! isa ito sa natalakay nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez.

"Mula pa pala noon, hindi na pala boto ang pamilya ni Kim Chiu kay Xian Lim. Maaaring may nakikita silang kakaiba, Maaring mayroon silang napapansin, kasi bihirang-bihira yung... wala halos tayong makita na kasama ni Xian ang pamilya ni Kim Chiu at kontra pala ito lagi sa mga plano ni Kim. Hindi nagkakasundo."

Read also

Ogie D sa viral pic nina Barbie at Richard: "Nagkatabi lang sila for how many minutes daw"

Kapansin-pansin na hindi nakikita sa mga larawan ng pamilya ni Kim na kasama nila si Xian sa loob ng 12 taong relasyon ng mga ito. Kung mayroon man, hindi raw ito tumatak sa isip ng publiko.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naibahagi rin ni Cristy na ayon sa kanyang source, diretsa na pala umanong natanong ni Kim kung ano ang plano ni Xian sa kanilang mahigit na isang dekada ng pagiging magkasintahan.

"At ito pala, diretso siyang tinatanong ni Kim Chiu kung ano ang plano ni Xian sa kanilang buhay, sa kanilang future."

"Wala dahil ang kanya raw prayoridad ay ang kanyang karera," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Read also

Ogie Diaz, nasagap ang umano'y open secured relationship ni Diego Loyzaga sa ina ng anak nito

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang isa pa muling hiwalayan at ito ay ang real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel