Iwa Moto, ibinida ang masayang laro nila nitong pagdiriwang ng bagong taon

Iwa Moto, ibinida ang masayang laro nila nitong pagdiriwang ng bagong taon

- Binahagi ni Iwa Moto ang mga pictures at video ng kanilang New Year celebration na kung saan si Jodi Sta. Maria ang nag-host

- Sa isang video ay makikitang sila na lang ni Thirdy Lacson ang naiwan sa larong Musical chairs

- Nang tumigil ang music ay pasimpleng kinuha ni Thirdy ang upuan habang si Iwa naman ay natumba at natapilok

- Biro pa ni Iwa, ito daw ang patunay na walang sinasanto ang anak nila pagdating sa games

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Iwa Moto ang masayang laro nila sa pagdiriwang ng bagong taon kung saan si Jodi Sta. Maria ang nag-host. Sa kanyang paglalaro ay natumba at natapilok si Iwa.

Iwa Moto, ibinida ang masayang laro nila nitong pagdiriwang ng bagong taon
Iwa Moto, ibinida ang masayang laro nila nitong pagdiriwang ng bagong taon
Source: Instagram

Sa binahagi niyang video ay makikitang sila na lamag ni Thirdy ang natira sa larong musical chairs. Mabilis na kinuha ni Thirdy ang upuan at natumba naman si Iwa.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makikita sa video na nakabenda ang paa niya dahil sa kanyang pagkakatapilok.

Biro pa ni Iwa, ito daw ang patunay na walang sinasanto ang anak nila pagdating sa games.

Patunay na ang anak namin ay walang sinasanto pagdating sa games madaya ka anak @iam.thrds

Si Iwa Moto ay isang aktres na unang nakilala sa reality talent search ng GMA-7, ang Starstruck kung saan hinirang siyang 1st Runner up sa 3rd season nito. Ang kanyang partner na si Pampi Lacson ay may anak din kay Jodi Sta. Maria. Marami ang natutuwa sa magandang samahan nina Iwa at ex ni Pampi na si Jodi. Sa katunayan, may mga pagkakataon na namamataan silang magkasama.

Hindi minasama ni Jodi Sta. Maria ang pag-post ni Iwa sa video ng anak niyang si Thirdy Lacson na nag-over-the-bakod. Ani Jodi, naniniwala siyang walang masamang intensiyon si Iwa sa kanyang pag-post. Dagdag pa niya, magkaibigan sila ni Iwa at sa tingin niya ay cute at funny ang video na ito ni Thirdy. Sina Iwa at Jodi ay hinahangaan ng marami dahil sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan sa kabila ng kanilang kalagayan.

Read also

Small Laude, nakasama na ang anak na si Allison sa Japan

Nagbahagi si Iwa ng isang appreciation post para sa kanyang asawang si Pampi Lacson. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting ama sa kanilang mga anak at isang mabuting asawa sa kanya. Aniya sa kabila ng mga pinagdaanan nila ay nanatili silang magkasama at palagi umano siyang mananatili sa tabi ni Pampi. Alam niya daw na marami pa silang kakaharapin ngunit aniya ay palagi niyang pipiliin si Pampi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel