Small Laude, nakasama na ang anak na si Allison sa Japan

Small Laude, nakasama na ang anak na si Allison sa Japan

- Binahagi ni Small Laude ang video na pagsalubong niya sa anak na si Allison

- Ito ay matapos siyang hindi matuloy sa dapat sana ay flight niya papuntang Japan dahil hindi pinayagan ng isang check-in manager dahil sa kanyang Canadian temporary passport

- Ayon kay Small, midnight nakarating doon si Allison kasunod ng kanyang reklamo

- Nasa Japan ang buong mag-anak nila at nagbabakasyon ngunit dahil sa nangyari ay na-stress daw sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Small Laude na nakasunod na sa kanila sa Japan ang anak niyang si Allison. Ito ay matapos na hindi matuloy sa flight ang anak niya dahil daw hindi pinayagan ng isang check-in manager na maka-board siya sa eroplano dahil sa kanyang Canadian temporary passport.

Small Laude, nakasama na ang anak na si Allison sa Japan
Small Laude, nakasama na ang anak na si Allison sa Japan
Source: Facebook

Sa Facebook reel na binahagi ni Small, makikita ang pagsalubong niya sa anak na ayon sa kanya ay midnight nang makarating doon.

Read also

Gelli at Janice de Bellen, naglaro ng Tumpakners: "Dahilan ng pag-aaway namin"

Marami naman ang natuwa na sa kabila ng stress nila ay nakasama na nila si Allison. Narito ang ilang komento:

Dalaga na kasi kaya nahihiya na bini baby sa camera

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng nangyari naway maging masaya at mg enjoy parin kayo sa Inyong vacation kasama Ang Inyong Family
Love this family talaga, lalo na yung mga kiddos niya ang sweet

Si Small Laude ay isang content creator na nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na YouTube vlogs. Dumami ang kanyang followers sa YouTube lalo na noong pandemya at nagkaroon ng lockdowns. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2 million subscribers sa YouTube.

Sa isang vlog episode ni Small, nakasama niya si Alex Gonzaga. Marami umano ang humihiling na magkaroon sila ng collaboration dahil sa kanilang pagkakaparehas umano. Sumabak sila sa What's in the Box Challenge with a Twist kung saan sasagot sa tanong ang hindi makakahula ng mistery item. Marami ang natuwa sa video na ito ni Small lalo at nakasama niya si Alex na masayahin at palabiro din kagaya niya.

Read also

Vlogger na si Ser Geybin, naiyak nang makaharap sa wakas si Cong TV

Sa kanyang collaboration kasama si Small Laude, hindi pinalampas ni Alex ang pagkakataon na ma-prank ang kapwa niya vlogger. Pinalabas niyang namomroblema siya matapos siyang maloko sa pera na nagkakahalaga ng 80 milyong piso. Kahit medyo malaking halaga ang sinabi ni Alex na kanya sanang hihiramin, agad na kinausap ni Small ang kanyang asawa. Kilala si Small bilang isa sa mga YouTube content creator na mayaman kahit bago pa sumikat sa vlogging.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel