Angelica P, ikinasal na: "Mrs. Angelica Panganiban Homan"
- Ibinahagi ni Angelica Panganiban ang ilang mga kaganapan mula sa kanyang kasal
- Sa kanyang Instagram post, makikita kung paano tinapos ni Ange ang taong 2023
- At sa pagbubukas ng taong 2024, "Mrs. Angelica Panganiban Homan" na siya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Gumulantang sa publiko ang ilang wedding pictures ni Angelica Panganiban na kanyang naibahagi sa kanyang Instagram sa pagbubukas ng taong 2024.
Tinapos niya ang taong 2023 sa pagpapakasal sa kanyang partner na si Gregg Homan.
Sa kanyang post, makikitang walang pagsidlan ng kasiyahan si Angelica at Gregg gayundin ang kanilang baby Bean, Amila Sabine.
Pinaniniwalaang ito rin ang dahilan kung bakit nagkasama-sama muli ang grupo nilang 'Ang BeKi' na binubuo nina Angelica, Bela Padilla at Kim Chiu.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Oktubre ng taong 2022 na-engage sina Angelica at Gregg. Makalipas nga ang isang taon, tulad ng pinakaiintay ng marami, nauwi na sa kasalan ang kanilang pagmamahalan.
Narito ang kabuuan ng naturang post na ibinahagi rin ng Kapamilya Online World:
Si Angelica Charlson o mas kilala bilang si Angelica Panganiban, ay isang aktres sa bansa. Una siyang napanood sa "Love Note" noong siya ay edad 6 pa lamang. Setyembre 2022 nang maging isang ganap na ina si Angelica sa kanyang baby na si Amila Sabine, na madalas nilang tawaging baby Bean. Disyembre 31, 2023 nang ikasal siya sa partner na si Gregg Homan.
Makikita ang ilang mga kaganapan sa buhay nina Angelica at Greg gayundin ng kanilang baby Bean sa kanilang social media post lalo na sa ilang mga vlogs na kanilang naibabahagi si publiko.
Kamakailan, sa isang interview sa Magandang Buhay, naidetalye ni Angelica ang tungkol sa kanyang medical condition na avascular necrosis. Una niya itong inihayag sa pamamagitan ng isang post. Emosyonal niyang inamin ang saloobin ukol dito na tila 'di patas na dinapuan siya ng karamdaman sa kalagitnaan ng panahon kung kailan niya nae-enjoy ang mga kaganapan kasama ang mga mahal niya sa buhay.
Sa naturang guesting din ni Angge sa nasabing programa, mas lalo siyang naging emosyonal nang mapadaan ang malapit niyang kaibigan na si Kim Chiu upang makita siya at mabigyan ng mensahe. Nabanggit din kasi ni Kim na kailanma'y 'di siya iniwan ni Angelica.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh