Esther Lahbati: "Sobrang seloso tapos magpapa DNA? Baka mapahiya sila"
- Sinagot ni Esther Lahbati, ang nanay ni Sarah Lahbati ang komento ng isang netizen kaugnay sa umano'y pagpapa DNA test sa isang anak nina Sarah at Richard
- Sa isang post ni Sarah kung saan binahagi niya ang pictures nila nitong Pasko, isang netizen ang nagkomento
- Sa sagot ng ina ni Sarah, tinanong nito kung bakit galit sa anak niya ang taong di na pinangalanan gayong hindi naman daw pinapayagan lumabas si Sarah nang walang body guard
- Dagdag pa niya, baka mapahiya daw sila tungkol sa usaping DNA test
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinagot ng ina ni Sarah Lahbati na si Ester Lahbati ang isang netizen na nagkomento tungkol sa umano'y pagpapa-DNA sa anak nina Sarah at Richard Gutierrez. Aniya, baka mapahiya daw sila tungkol sa usaping DNA test.
Komento ng naturang netizen sa post ni Sarah, bilang babae ay masakit yung ipapa-DNA tst ang anak dahil pinagdududahan siya.
Bilang babae matatanggap ko siguro ung mga mali ng asawa ko pero ung ipa DNA test ung anak ko kc baka hindi daw anak ng asawa ko??? It's too much to bear
Sa sagot ng ina ni Sarah, sinabi niyang hindi naman daw pinapayagan lumabas si Sarah nang walang body guard.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Grabe!❤️bakit kaya galit sya kay Sarah?eh hindi nga pinapayagan si Sarah na walang bidy guard ngayon na lang na yan nakakalabas kasama pa kami.grabe! Sobrang seloso.tapos magpapa DNA?baka mapahiya sila!
Si Sarah Lahbati ay isang Filipino-Moroccan actress na sumikat matapos tanghaling StarStruck V's Ultimate Female Survivor ng 5th season ng "StarStruck", isang talent show sa GMA-7.
Ikinasal siya kay Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez na isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.
Nanatiling tahimik si Sarah kaugnay sa isyung hiwalay na raw sila ng asawang si Richard Gutierrez. Ito ay sa kabila ng pagsasalita ni Annabelle Rama sa isang panayam ni MJ Felipe. Sa kanyang post ay pinakita ni Sarah ang kanyang bagong sasakyan habang nakasuot ng kanyang tennis attire - Ito umano ang kanyang mga bagong passion, ang paglalaro ng tennis at mga sasakyan.
Binahagi ni Sarah sa kanyang post ang kanyang throwback picture. Sa kanyang picture ay makikita ang date stamp na kuha noong 1996. Ilan sa mga netizens ang nakapansin na kamukha daw ni Zion si Sarah noong bata pa siya. Sinagot ito ni Sarah ng smiling emoji bilang pagsang-ayon sa komento ng netizen.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh