Ray Parks kay Zeinab: "I wouldn't be wasting my time if I don't see you in my future from day 1"

Ray Parks kay Zeinab: "I wouldn't be wasting my time if I don't see you in my future from day 1"

- Binahagi ni Zeinab ang kauna-unahan nilang collab video ng boyfriend niyang si Bobby Ray Parks

- Pinaunlakan nilang sagutin ang mga katanungan tungkol sa kanila at kanilang pagmamahalan

- Kabilang sa naitanong kay Ray ay kung nakikita daw ba niya sa kanyang future na kasama niya si Zeinab

- Walang pag-aalinlangang sinabi nito na 'definitely' dahil aniya ay hindi siya magsasayang ng oras kung hindi niya nakikita sa kanyang future si Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Zeinab Harake ang Q&A video nila ng kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks. Kabilang nga sa naitanong kay Ray ay kung nakikita daw ba niya sa kanyang future na kasama niya si Zeinab.

Ray Parks kay Zeinab: "I wouldn't be wasting my time if I don't see you in my future from day 1"
Ray Parks kay Zeinab: "I wouldn't be wasting my time if I don't see you in my future from day 1"
Source: Youtube

Mabilis ang naging sagot ni Ray at tila siguradong-sigurado ito. Katwiran niya, hindi siya magsasayang ng oras kung hindi niya nakikita sa kanyang future si Zeinab.

Read also

Small Laude, nakasama na ang anak na si Allison sa Japan

I wouldn't be wasting my time if I don't see you in my future from day 1

Sinang-ayunan naman ito ni Zeinab dahil ganun daw na klase ng tao si Ray. Biro pa ni Zeinab, buti na lang daw at tumagal siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ani Ray, nagkatugma ang kanilang values base sa nakikita niya kay Zeinab kaya wala na daw atrasan.

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Read also

Christian Bables, naiyak nang mapag-usapan ang pangungulila sa ama

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate