Ogie Diaz sa pagbati ni Dennis Padilla: "Wala pa ring response itong mga Barretto kids noh?"

Ogie Diaz sa pagbati ni Dennis Padilla: "Wala pa ring response itong mga Barretto kids noh?"

- Natalakay muli nina Ogie Diaz ang tungkol sa mga pagbati ni Dennis Padilla sa mga anak nito

- Nitong Pasko, isa-isa niyang binati ang mga anak kay Marjorie Barretto

- Subalit hanggang ngayon, wala pa rin umano itong natanggap na komento o reaksyon mula sa mga ito

- Ani Ogie, maaring mabigat umano ang dahilan ng mga kakapatid para hindi nila pansinin ang mga pagbati ng ama kahit manlang sa diwa ng Kapaskuhan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kamakailan ay nag-post muli ng pagbati si Dennis Padilla sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.

Ogie Diaz sa pagbati ni Dennis Padilla: "Wala pa ring response itong mga Barretto kids noh?"
Dennis Padilla, Julia Barretto, Claudia Barretto (@dennisastig)
Source: Facebook

Isa ito sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa Ogie Diaz Showbiz Update channel.

Matagal-tagal na rin kasi umanong nagpo-post ng kanyang pagbati si Dennis sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon maging sa anak ni Marjorie kay Kier Legaspi na si Dani.

Read also

Christian Bables sa mga nagdududa umano sa kanya: "For now, I think I'm straight"

Kaya naman nakapagtataka umano na sa dami ng pagkakataong nagparamdam si Dennis sa mga anak ay hindi ito nakatanggap ng reaksyon mula sa mga ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Garabe sigurong bigat ng nagawang kasalanan ni Dennis sa mga bata para to deserve this treatment na parang kahit ano pang gawing bati. Kahit ano pang gawing pagpuri ni Dennis sa kanyang mga anak o sa ginagawa ng kanyang mga anak thru his social media accounts. Wala pa ring response itong mga Barretto kids noh?" ani Ogie Diaz sa sitwasyon.

Mungkahi naman ni Mama Loi, baka kailangan na umano ni Dennis na baguhin ang pamamaraan nito sa pagparamdam sa mga anak.

Subalit ayon kay Ogie, maaring ang pag-post na lamang sa social media kung saan nakikita na rin maging ng publiko ang maaring gawin ni Dennis upang mapabatid ang anumang nais nitong sabihin sa mga anak.

Read also

Gelli at Janice de Bellen, naglaro ng Tumpakners: "Dahilan ng pag-aaway namin"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: