Herlene Budol, maglalabas daw ng bagong single na may pamagat na "Kain Tayo"

Herlene Budol, maglalabas daw ng bagong single na may pamagat na "Kain Tayo"

- Nag-post si Herlene Budol ng kanyang mensahe ng pasasalamat para kay Wilbert Tolentino

- Aniya, kahit hindi na nito manager si Wilbert ay nariyan pa rin ito para sa kanya at pinush daw siyang mag voice lessons

- Binahagi niya ang picture niya na kuha sa kanyang voice lesson kasama ang kanyang voice coach

- Dagdag pa niya, dapat abangan ang ilalabas niyang single na pinamagatang 'Kain Tayo'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Herlene Budol ang dating manager niyang si Wilbert Tolentino. Sa kanyang bagong post, binahagi niyang dahil kay Wilbert ay nag-voice lessons siya at maglalabas ng bagong single.

Herlene Budol, maglalabas daw ng bagong single na may pamagat na "Kain Tayo"
Herlene Budol, maglalabas daw ng bagong single na may pamagat na "Kain Tayo"
Source: Instagram

Aniya, kahit hindi na niya manager si Wilbert ay hindi siya nito iniiwan.

Thank you Mima ko @sirwil75. Yung kht indi na cya Manager ko pero andyan parin cya thru thick & thin at pinupush nya ako mag voice lesson at classmate ko narin si Little KaFreshness Willard King Tolentino.

Read also

Heart Evangelista, puring-puri ang ganda ni Gretchen Barreto nang magkita sila sa Aivee clinic

Sa kanyang pag-voice lessons, napagtanto daw niyang masaya pala ang musika. Dagdag pa niya, dapat abangan ang ilalabas niyang single na pinamagatang 'Kain Tayo'.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Masaya pala ang Musika. Yung may assesment ng coach ko si @kimusikero ng Jazz, Pop, Ballad, Blues, Rock, Hip hop, Classical, Electro, New age, Reggae atbp. - Ciempre Abangan ang bagong Single na ilalabas ko sa 2024 - "KAIN TAYO"

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Read also

Sharon Cuneta, nabahala sa lagay kalusugan: "Please, if you can pray for me?"

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel