Christian Bables, binati si Jennica Garcia sa kaarawan nito: "Happy birthday, mahal ko"

Christian Bables, binati si Jennica Garcia sa kaarawan nito: "Happy birthday, mahal ko"

- Binahagi ni Christian Bables ang kanyang birthday message para sa kaibigang si Jennica Garcia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Marami ang kinilig sa kanyang pagbati lalo ang mga tagahanga ng kanilang tambalan na nabuo sa seryeng Dirty Linen

- Kalakip ng kanyang mensahe ay binahagi ni Christian ang picture ni Jennica na nakatulog sa sasakyan habang si Christian ay nagmamaneho

- Sa kabila ng kanilang pagiging malapit ay palaging sinasabi nina Jennica at Christian na malapit silang magkaibigan

Kinakiligan ang mensahe ni Christian Bables para kay Jennica Garcia sa kaarawan nito. Kalakip ng kanyang mensahe para kay Jennica ay binahagi niya ang picture nito na nakatulog sa loob ng sasakyan.

Christian Bables, binati si Jennica Garcia sa kaarawan nito: "Happy birthday, mahal ko"
Christian Bables, binati si Jennica Garcia sa kaarawan nito: "Happy birthday, mahal ko"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Sharon Cuneta, nabahala sa lagay kalusugan: "Please, if you can pray for me?"

Ani Christian, hindi siya mapapagod na asarin si Jennica.

Sa Disney Princess na parang umiilaw pag natatapatan ng araw, mahal na mahal kita. Hindi ako mapapagod asarin ka at iparamdam sayo paulit ulit na ang sarap sarap ko.

Aniya, mamahalin at poprotektahan niya si Jennica habang humihinga siya.

Tigilan mo nang pag pantasyahan ako please, nakaka pagod na. Happy birthday, mahal ko! Mamahalin at poprotektahan kita hanggang humihinga ako tol Jennica Garcia

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel