Andrew Schimmer, nag-react sa post na nagsabing pinagselosan daw noon ni Jho ang kasalukuyang gf
- Inalamahan ni Andrew Schimmer ang post ng isang netizen na tinanong pa ni Andrew kung manghuhula ba talaga o script writer
- Sa binahaging screenshot ng girlfriend ni Andrew ay sinasabi nito na pinagselosan na daw ng namayapang asawa ni Andrew ang kasalukuyang girlfriend nito
- Gayunpaman, nanatili daw ang friendship nila ni Andrew at ngayon nga ay natuloy raw ang pagmamahalan nila
- Isang commenter naman na binahagi din ng gf ni Andrew ang nagsabing hindi magkakakilala sina Andrew at ang gf nito noon kaya hindi totoo ang sinasabi nitong hula niya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inalmahan ni Andrew Schimmer ang isang post na nagsasabing nagkakatotoo daw ang hula niya na ipapakilala ni Andrew ang babaeng noo'y pinagselosan daw ng kanyang namayapang asawa. Tinanong pa ni Andrew kung manghuhula ba talaga o script writer.
Sa screenshot ng naturang post, sinabi nito na kahit pinagselosan daw noon ni Jho ang babae ay pinagpatuloy daw nila ang kanilang pagkakaibigan.
Ibinahagi din nila ang screenshot ng komento ng kaibigan nila Andrew at ng kasalukuyan nitong gf. Aniya, siya daw ang dahilan na nagkakilala ang dalawa at hindi totoo na magkakilala na sila noon pa kagaya ng sinasabi sa post ng nagpapakilalang manghuhula.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.
Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, 2022, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings. Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.
Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa. Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.
Source: KAMI.com.gh