Marian Rivera, ayaw makita ang kissing scene ni Dingdong sa iba: "Parang ang off kasi"

Marian Rivera, ayaw makita ang kissing scene ni Dingdong sa iba: "Parang ang off kasi"

- Ayaw umanong makita ni Marian rivera ang kissing scene ng mister niyang si Dingdong Dantes sa iba

- Isa ito sa napagkwentuhan nila sa panayam sa kanila ni Ogie Diaz

- Sa MMFF entry ng mag-asawa na 'Rewind', pipikit na lamang umano si Marian sa eksena ni Dingdong kasama si Sue Ramirez

- Ayon pa kay Marian, masasabi niyang graduate na umano siya sa punto ng pagseselos at natatawa na lamang ang nagawa niya noon dahil dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Ayaw ko," ang naisagot ni Marian Rivera nang matanong siya ni Ogie Diaz kung nais nitong makita ang kissing scene ni Dingdong Dantes at Sue Ramirez sa pelikulang Rewind.

Marian Rivera, ayaw makita ang kissing scene ni Dingdong sa iba: "Parang ang off kasi"
Marian Rivera ang Dingdong Dantes (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Ani Marian, ayaw niyang makita ang naturang eksena na para sa kanya ay "off" at hindi sa ano pa man.

Read also

Ogie D, nakausap ang kaibigan ni Richard: "Kung malalaman ko lang daw ang katotohanan"

Aniya, sa pagkakataong panonoorin na nila ang sariling pelikula, pipiliin niyang pumikit at itatanong na lamang kay Dingdong kung tapos na ang eksena.

"Ayaw ko din. Parang ang off kasi."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, hindi rin daw niya nakausap si Sue ukol dito at hindi pa rin niya ito nakilala o nakatrabaho.

"Hindi ko pa siya nakakatrabaho at hindi ko pa siya nakikita at hindi pa kami nagkakakilala."

Nang matanong naman ni Ogie kung masasabi ba ni Marian na graduate na siya sa pagseselos, "oo" ang naging sagot nito.

"Parang oo. Simula nung nagkadalawang anak ako, minsan nga napapag-usapan namin. Ano ba 'yan, nyemas bakit ko ba nagawa yan?"
"Natatawa na lang ako sa sarili ko 'pag binabalikan ko."
"Kaya sa mga ganyan, pagsisisihan niyo yan balang araw"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie D, Marian at Dingdong sa Ogie Diaz Inspires channel:

Read also

Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"

Si Marian Rivera ay isa sa mga maituturing na pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Nakilala siya sa Kapuso channel dahil sa pagganap niya sa mga iconic roles tulad ng 'Marimar,' 'Dyesebel', at maging ng 'Darna.' Siya ang asawa ng isa ring Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Ngayong taon, muling magsasama sa isang proyekto ang DongYan na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023. Ito ay ang pelikulang Rewind kung saan mag-asawa rin ang gagampanan nilang role.

Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel