Miss Philippines Yllana Aduana, hinirang bilang Miss Earth Air 2023
- Kinoronahan bilang Miss Earth Air ang pambato ng Pilipinas na si Yllana Aduana
- Sa ginanap na Miss Earth 2023 na ginanap sa pageant, naghiyawan ang mga manonood matapos ang kanilang pagsagot sa tanong
- Kabilang sa top 4 ay sina Thailand, Malaysia, Albania at Pilipinas
- Hinirang naman na Miss Earth 2023 ang pambato ng bansang Albania
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hinirang si Miss Philippines Yllana Aduana bilang Miss Earth Air. Kinoronahan naman na Miss Earth 2023 ang pambato ng bansang Albania.
Naghiyawan ang audience sa naging sagot ni Yllana sa katanungang ito: “An official at a recent climate conference was quoted as saying ‘there is no science behind calls for the phaseout of fossil fuels.’ Do you agree? Why, or why not?”
Narito ang kbuuan ng naging sagot ni Aduana:
As someone who is from the medical field, I do believe that everything roots from science and I think that the greatest gift we have in this generation is the sophisticated technical installations that we have and so there is science in the phase out of fossil fuels.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
One thing we can also agree on is that we can live the zero-waste and sustainable lifestyle. I’ve always been practicing it because sustainability will always ensure the stability in our future.
If we can master the transferability skills of the job is phased out, then we will have a greener and more sustainable future.
Si Yllana Marie Singin Aduana (ay isang Filipino model, medical laboratory scientist at beauty pageant titleholder na hinirang bilang Miss Philippines Earth 2023. Siya ang pambato ng Pilipinas sa Miss Earth 2023 pageant in Vietnam.
Matatandaang sinabi ni Miss Universe Philippines na si Michelle Dee, nagpapasalamat siya sa malakas at mainit na suporta sa kanya ng mga kababayan. Sa panayam ni Boy Abunda sa kanyang show na "Fast Talk with Boy Abunda", sinagot ni Michelle ang mga katanungan ni Boy. Aniya, nasaktan siya nang hindi makapasok sa Top 5 at sa katunayan ay naiyak pa siya sa banyo. Naniniwala siyang handa siya sa top 5 dahil sa kanyang naging paghahanda sa question and answer.
Samantala, puring-puri ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz si Miss International 1979 Melanie Marquez at maging ang anak nitong si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee. Sa isang panayam na binahagi ng ABS-CBN news ay sinabi niyang marami siyang nakikitang katangian ni Melanie sa anak nito. Para sa kanya, 10 ang rating niya kay Melanie ngunit kung ikukumpara daw si Michelle ay 8 ang kanyang rating sa Miss Universe Philippines 2023. Matatandaang kabilang si Gloria sa Miss International 1979 panel of judges kung saan nanalo si Melanie.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh