Andrew Schimmer, binahagi ang bagong pag-ibig: "For some people this is too rush"

Andrew Schimmer, binahagi ang bagong pag-ibig: "For some people this is too rush"

- Binahagi ni Andrew Schimmer ang picture niya kasama ang isang babae na hindi pa niya pinapangalanan

- Gayunpaman, makikita sa kanyang binahaging picture ang babae na natatakpan ng mask ang ilong at bibig

- Ibinahagi niya na unti-unting nanumbalik ang kanyang kaligayahan

- Nabigyan daw siya ng isang bagay na aniya ay mahalaga at ito ay ang pagkakaroon niyang muli ng pag-asa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Andrew Schimmer ng picture kung saan may kasama siyang babae. Nabigyan daw siya ng isang bagay na aniya ay mahalaga at ito ay ang pagkakaroon niyang muli ng pag-asa.

Andrew Schimmer, ibinida ang bagong pag-ibig: "For some people this is too rush"
Andrew Schimmer, ibinida ang bagong pag-ibig: "For some people this is too rush"
Source: Facebook

Inihayag ni Andrew kung paanong nabago siya sa kanyang kalungkutan at pagkakalugmok. Unti-unti ay nagkaroon ng liwanag ang kanyang madilim na mundo.

I never thought this day would come...You restored me... Slowly put me back together. You took away all the pain...and gave me something, That made me love the world again. I was in total chaos and darkness before you found me...You brought back the strength in my heart, And lightened up my darkness from within...

Read also

Diana Zubiri, sa store ng isang mamahaling brand: "Hindi kami pinapansin"

Aniya, alam niyang para sa iba ay mabilis ang pangyayari pero kung mapapayagan daw siya ay gusto niyang makasama sa nalalabing buhay niya ang babaeng kanyang tinatangi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

I know for some people this is too rush, But if you will allow me...I want to spend the rest of my life with you... Loving you and taking care of you and our children is now my next mission in life. You gave me something really really great... "HOPE.

Isang netizen naman ang nagsabing deserve ni Andrew na sumaya at pinasalamatan siya ni Andrew.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Read also

Janella sa dahilan ng hiwalayan nila noon ni Markus: "Grabe 'yung anxiety ko"

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, 2022, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings. Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa. Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel