Diana Zubiri, sa store ng isang mamahaling brand: "Hindi kami pinapansin"

Diana Zubiri, sa store ng isang mamahaling brand: "Hindi kami pinapansin"

- Naikwento ni Diana Zubiri ang kanilang karanasan sa store ng isang kilalang mamahaling brand

- Aniya, naka-gym outfit sila noon nang unang magpunta sa naturang store at tila hindi raw sila pinapansin ng staff

- Nang sila naman ay nagtanong, masasabi niyang hindi rin naging maayos ang pagsagot sa kanila dahilan para sila ay umalis na lamang

- Subalit sa ikalawang pagkakataon umano, maayos na silang nabigyan ng serbisyo dahilan para bumili na sila sa naturang store

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabago niyang vlog, naikwento ni Diana Zuburi ang naging karanasan nang unang beses na pumunta sa store ng isang kilalang mamahaling brand.

Diana Zubiri, sa store ng isang mamahaling brand: "Hindi kami pinapansin"
Diana Zubiri, sa store ng isang mamahaling brand: "Hindi kami pinapansin" (Diana Zubiri YouTube)
Source: Youtube
"Has this ever happened to you? Our first trip to Louis Vuitton in Adelaide didn't go as planned. It was more of a spontaneous thing and we drove into the city to check it out."

Read also

Janella sa dahilan ng hiwalayan nila noon ni Markus: "Grabe 'yung anxiety ko"

Ayon kay Diana, hindi sila pinapansin ng staff sa hindi niya malamang dahilan.

"We were told to wait but not in a pleasant way then after a while we decided to just leave. Was it how we were dressed? Well, we hope not but we decided to try again to see if things would be different."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, sa sumunod na pagkakataon, maayos na umano silang naasikaso ng staff kaya naman nakapamili sila sa naturang store.

"This time we were dressed up and served, also the service was much better so we just hope next time it will be the same."

Narito ang kabuuan ng kanyang bagong vlog mula sa Diana Zubiri YouTube channel:

Si Diana Zubiri ay dating aktres sa Pilipinas na ang totoong pangalan ay Rosemarie Joy Garcia-Smith. Bukod sa mga pelikula, may nakilala siya bilang si Danaya na isa sa mga Sanggre sa Encantadia.

Read also

Meil Pangilinan nasanay na sa mga bashers: "It's so boring and predictable"

Makalipas ang apat na taon, nakauwi na muli si Diana sa Pilipinas mula sa Australia kung saan sila naglalagi ng kanyang pamilya. Doon, kasama niya ang asawang si Andy Smith at kanilang tatlong anak.

Sa kanyang mga bagong vlog sa kanyang YouTube channel, naikwernto ni Diana ang ilang detalye tungkol sa pagbabalik nila sa Pilipinas. Ilan dito ay ang pagsurpresa nila sa kanilang pamilya at mga kaibigan na hindi talaga inaasahan ang kanilang pagbabalik. Matatandaang kamakailan lang ay naging panauhin si Diana ng It's Showtime kung saan nakasama din niya ang orihinal na mga Sangre' na sina Karylle, Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel