Janella sa dahilan ng hiwalayan nila noon ni Markus: "Grabe 'yung anxiety ko"

Janella sa dahilan ng hiwalayan nila noon ni Markus: "Grabe 'yung anxiety ko"

- Naidetalye ni Janella Salvador ang umano'y dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Markus Paterson

- Nilinaw niyang hindi sa lahat ng taong lasing siya may trauma kundi sa sitwasyong partner na niya ang umuuwing lasing

- Inamin niyang nagkakaroon umano siya noon ng anxiety na tila ba may hindi magandang mangyayari kung lasing na uuwi ang kanyang partner

- Gayunpaman, nabanggit din ni Janella ang co-parenting situation nila ni Markus para sa anak nila na si Jude gayundin ang healing na nagaganap sa kanila sa kabila ng paghihiwalay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naidetalye ni Janella Salvador ang tungkol sa paghihiwalay nila noon ni Markus Paterson.

Janella sa dahilan ng hiwalayan nila noon ni Markus: "Grabe 'yung anxiety ko"
Janella sa dahilan ng hiwalayan nila noon ni Markus: "Grabe 'yung anxiety ko" (Karen Davila YouTube)
Source: Youtube

Tila inagapan na umano ni Janella ang sitwasyon na hindi na niya pinaabot sa puntong ito ay malala na.

Read also

Diana Zubiri, sa store ng isang mamahaling brand: "Hindi kami pinapansin"

"Siguro bago pa siya umabot sa situation na maging cycle or maging abusive, 'dun ko na siya in-end"
"I wouldn't allow myself to stay in a situation where I know it might happen again and again."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, labis niyang ikinatakot noon ang pag-uwi ng kanyang partner kapag nalalasing na animo'y mayroong mangyayaring hindi maganda.

"Actually hindi naman sa mga lasing in general. 'Cause I still enjoy a few drinks every now and then. I can still enjoy. I can be around people who are drunk. But if it is my partner, that comes home drunk... Ay grabe 'yung anxiety ko. Nanginginig talaga ako. Even when it was with Marcus. Nanginginig ako mag-isa 'pag alam kong umiinom na sa labas ta's alam kong uuwing lasing. Nanginginig ako, ta's my tummy's really turning"

Read also

Meil Pangilinan nasanay na sa mga bashers: "It's so boring and predictable"

"Kasi I feel like something bad is about to happen when someone drunk comes home. Parang 'yun ang naging trauma sa akin"

Sa ngayon, pareho umano silang 'healing' ni Markus at na-appreciate niya umano ang pagiging present nito sa anak nilang Jude.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Karen Davila kay Janella Salvador:

Si Mark Paul Robert Paterson o mas kilala bilang si Markus Paterson ay isang actor, singer, television host, at athlete. Minsan siyang naging bahagi ng reality show na Pinoy Boyband Superstar. Siya ay naging partner ni Janella Salvador kung saan nabiyayaan sila ng isang anak, si Jude Trevor. Subalit dahil umano sa hindi pagkakaunawaan, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon na umano'y mas madalas nang bumalik na sila sa Pilipinas.

Samantala, naging kontrobersyal ang pahayag noon ni Markus sa kanilang podcast na 'Boy after dark' kung saan nasabi niyang "never date someone from the industry." Nagkataong ito ay matapos ang hiwalayan nila ni Janella kaya inakala ng marami na ito ay patungkol sa aktres.

Read also

Melai, feeling summa cúm laude sa bonggang regalo sa kanya ni Regine

Gayunpaman, sa panayam ni Ogie Diaz kay Markus, nabanggit nito ang labis na papuri kay Janella. Aniya, blessed siya dahil si Janella ang ina ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel