2 QCPD police, sibak kaugnay sa pagkalat ng video ng pagresponde kay Ronaldo Valdez

2 QCPD police, sibak kaugnay sa pagkalat ng video ng pagresponde kay Ronaldo Valdez

- Sibak sa pwesto ang dalawang QCPD police matapos kumalat ng video ng pagresponde sa aktor na si Ronaldo Valdez

- Marami ang naalarma sa naturang video na umano'y kuha sa aktwal na sitwasyon ng aktor sa loob ng kanyang silid noong Disyembre 17

- Labis na ikinagalit ng manager ni Valdez na si Jamela Santos ang pagkalat ng video

- Sa kanyang social media post, nasabi niyang mananagot ang kung sinomang bumastos sa legasiya ng batikang aktor tulad ni Ronaldo Valdez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natanggal na sa pwesto ang dalawang pulis ng Quezon City Police District na umano'y may kaugnayan sa pagkalat ng video ng pagresponde sa aktor na si Ronaldo Valdez noong Linggo, Disyembre 17.

2 QCPD police, sibak kaugnay sa pagkalat ng video ng pagresponde kay Ronaldo Valdez
2 QCPD police, sibak kaugnay sa pagkalat ng video ng pagresponde kay Ronaldo Valdez
Source: Instagram

Sa naturang video, makikita umano ang aktwal na sitwasyon ni Ronaldo nang madatnan ito ng mga rumesponde sa kanya.

Read also

Manager ni Ronaldo Valdez sa nagkalat ng video ng pagresponde sa aktor: "Mga walang respeto"

Labis itong ikinagalit ng manager ni Ronaldo Valdez na si Jamela Santos na hindi napigilang maglabas ng saloobin sa social media.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Magtutuos tayo pagkatapos ko magluksa. Why people can be so cruel? I can't believe it. Ano, para maka-scoop kayo? Para mag-trending kayo? How can you be so low?" ang bahagi ng post ni Jamela.
"A good and brilliant man doesn't deserve this... Babalik sa inyo lahat ng ginawa niyo. It's just a matter of time." dagdag pa niya.

Sisiguraduhin umano ni Jamela na mananagot ang sinumang nakaisip na ipakalat pa ang naturang video.

Sa ulat ni Raya Capulong ng ABS-CBN News, kinumpirma ng Philippine National Police ang pagsibak sa pwesto ng dalawang responsable umano sa pagpapakalat ng video.

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon. Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Read also

Cristy Fermin: "Si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez"

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ronaldo bago siya pumanaw ay ang '2 Good 2 Be True' ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakilala siya sa naturang serye bilang si 'Lolo Sir' na talagang tumatak di lamang sa Kathniel Fans kung maging sa mga sumubaybay ng serye at sa mga kapwa aktor na nakasama niya roon.

Agad ding nabalikan ng netizens ang birthday post ng anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs kung saan nabanggit nito ang kanilang pelikula na inaasahang ipalabas sa Enero ng 2024. Ayon pa sa post ni Janno sa huling kaarawan na pala ng kanyang ama noong Nobyembre, masaya siyang naging direktor ng kanyang ama. Makikitang nagkomento pa roon si Ronaldo at sinabing proud siya kay Janno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica