Derek Ramsay, enjoy sa family life: "We're trying now to have another baby"

Derek Ramsay, enjoy sa family life: "We're trying now to have another baby"

- Naidetalye ni Derek Ramsay sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga kung gaano siya kasaya sa kanyang family life

- Katunayan, isa ito sa rason kung bakit pili na lamang ang tatanggapin niyang proyekto sa showbiz

- Malaking bagay din umano ang pagkakasundo nila ng kanyang misis na si Ellen Adarna

- Sa ngayon, sinusubukan na nilang magkaroon ng sarili nilang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ni Derek Ramsay kung gaano siya kasaya sa kanyang family life.

Derek Ramsay, enjoy sa family life: "We're trying now to have another baby"
Derek Ramsay, enjoy sa family life: "We're trying now to have another baby" (@ramsayderek07)
Source: Instagram

Aniya, isa umano ito sa rason kung bakit hindi na siya basta tatanggap at pili na lamang ang kanyang gagawing proyekto sa showbiz.

"I cannot be away from my family," ani Derek na hindi na raw gagawa ng anumang TV show na tila makakakuha ng labis na oras o magiging dahilan ng madalas na pagkalayo sa pamilya.

Read also

Pelikula ng mag-amang Ronaldo Valdez at Janno Gibbs, inaasahang mapapanood pa rin sa Enero

Matatandaang kasama nila ng kanyang misis na si Ellen ang anak nitong si Elias at ang anak ni Derek na si Austin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanilang social media madalas makita kung gaano nae-enjoy ni Derek ang pagiging mister at padre de pamilya.

Malaking bagay din umano na talagang nagkakasundo sila ng misis na si Ellen.

"Walang best foot forward na I have to show where I have to show the good side of me only. Which is normal in any relationship. Most of the times ganun, you put your best foot forward. With her, we showed everything about each other. We were both very honest na I'm okay now not to get married."
"We're so similar and we're so different. We never spoke about how we have to adjust for another."
"I found motivation in her. In the new things I do. She's the one that convinced me na 'go for it'. You really like the building, go for it."

Read also

Annabelle Rama, namangha sa mansyon nina Manny Pacquiao

At sa naturang panayam, inihayag ni Derek ang pagnanais nilang magkaroon ng sariling anak.

"And I'm really enjoying the married life, super... We're trying now to have another baby"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Derek mula sa Toni Gonzaga Studio:

Si Derek Arthur Ramsay Jr. o mas kilala bilang si Derek Ramsay ay isang British-Filipino model, actor, at host sa Pilipinas. Mula 2019, exclusive talent siya ng GMA Network. Gayunpaman, mula 2021, kung saan nag-file siya ng indefinite leave, hindi na muli napanood si Derek sa anumang TV shows ng Kapuso.

Subalit ngayong 2023, muling mapapanood si Derek sa kanyang MMFF movie na Kampon. Kasama niya rito sina Beatuy Gonzales, at unang pelikula ni Zeinab Harake.

Mula nang ikasal kay Ellen Adarna, makikita sa kanilang social media kung gaano kasaya si Derek bilang isang family man. Subalit kamakilan, naibahagi rin niya ang balitang nakunan umano ang misis na si Ellen sa sana'y inaasahan nilang unang supling.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel