Annabelle Rama, parang gusto daw matuto gumamit ng baril: "Sharpshooter siguro ako"

Annabelle Rama, parang gusto daw matuto gumamit ng baril: "Sharpshooter siguro ako"

- Naibahagi nI Annabelle Rama na nasa General Santos siya para sa pagdalo niya sa kaarawan ni Manny Pacquiao

- Nabanggit niyang mayroon daw firing range sa basement ng bagong mansiyon ng mag-asawa

- Dagdag pa niya, parang gusto daw tuloy niya matutong gumamit ng baril

- Hirit pa niya siguro daw ay sharpshooter siya kung sakali

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Annabelle Rama na dumalo siya sa kaarawan ni Manny Pacquiao na ginanap sa General Santos sa kanilang bagong mansiyon. Ayon kay Tita Annabelle, mayroong malawak na firing range sa basement ng bagong bahay nina Manny.

Annabelle Rama, parang gusto daw matuto gumamit ng baril: "Sharpshooter siguro ako"
Annabelle Rama, parang gusto daw matuto gumamit ng baril: "Sharpshooter siguro ako"
Source: Instagram

Parang gusto na daw niya tuloy matutong gumamit ng baril at siguro daw ay sharpshooter siya.

May firing range pa sa basement na sobrang laki parang gusto ko ng matutu gumamit ng baril. Sharpshooter cguro ako.

Read also

Batikang aktor na si Ronaldo Valdez, pumanaw na sa edad na 76

Nabanggit din ni Annabelle na sobrang laki ng mansiyong ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, hindi niya natapos libutin ang mansiyon dahil sa laki nito

Jinkee at Manny Tatapusin ko nalang ang pag ikot sa mansion mo pag balik ko ulit. Dalawa pa naman ang swimming pool sa taas at baba para akong nasa Bali Indonesia Resort.

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang "My Monster Mom" kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Read also

Elijah Canlas at Miles Ocampo, nagkasama sa #MMFF2023 Parade of Stars

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel