Maegan Aguilar, pinasilip ang teaser ng kanta niyang 'Ama'

Maegan Aguilar, pinasilip ang teaser ng kanta niyang 'Ama'

- Binahagi ni Maegan Aguilar ang teaser ng kanyang original song na Ama

- Hindi pa ito na-release ayon na rin sa post ni Maegan kung saan makikita ang rehearsal niya kasama ang banda

- Tila napapanahon naman ang kanyang paglabas ng awitin niyang ito lalo at maayos na sila ng kanyang amang si Freddie Aguilar

- Kamakailan nga ay masayang binahagi ng mag-ama ang kanilang pictures matapos nilang magkasamang muli

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Maegan Aguilar ang video ng kanyang rehearsal ng kanyang pagkanta ng aniya'y unreleased original song na 'Ama.' Tila napapanahon naman ang kanyang paglabas ng awitin niyang ito lalo at maayos na sila ng kanyang amang si Freddie Aguilar.

Maegan Aguilar, pinasilip ang teaser ng kanta niyang 'Ama'
Maegan Aguilar, pinasilip ang teaser ng kanta niyang 'Ama'
Source: Instagram

Isa sa pinakasikat na awitin ng kanyang ama ay ang awitin nitong 'Anak.'

Read also

Ogie, dinipensahan ang ina ni Andrea: "Kelan ba naging krimen 'yung pagtulong sa pamilya?"

Kamakailan nga pagkatapos ng kanilang muling pagsasamang mag-ama ay ibinida nila parehas ang pictures kung saan nakasama din ni Maegan ang kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Maegan Aguilar ay pangalawa sa limang mga anak ni Freddie Aguilar at ang unang sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa hilig sa musika. Si Ka Freddie o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Kamakailan inihayag ni Maegan ang kanyang saloobin matapos ang paglabas ng resulta ng ginawang test sa kanya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Sa kanyang mga live video sa Facebook ay makikita siyang naglalakad at emosyonal. Aniya, naghahanap lamang siya ng mataas na gusali para daw matapos na ang lahat. Sa isang post niya ay sinabi niyang tinatanggalan niya ng karapatan ang kanyang kaanak na lumapit o humawak sa kanyang labi.

Sa post ni Maegan ay inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya. Kasunod ng kanyang pagtatanggal ng karapatan sa kanyang pamilya na mahawakan o malapitan ang kanyang bangkay, matindi din ang binitawan niyang salita. Idinawit niya ang kanyang ina at kanyang kuya sa pinagbabawal na gamot. Payo naman ng kanyang ina, tanggapin nito ang alok na iparehab siya at magbubukas ang mga oportunidad sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate