Ina ni Kathryn Bernardo, pinabulaanang lilipat ng network ang anak

Ina ni Kathryn Bernardo, pinabulaanang lilipat ng network ang anak

- Pinabulaanan ng ina ni Kathryn Bernardo ang espikulasyong lilipat na ng network ang kanyang anak

- Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi umano ni Mommy Min Bernardo sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe na hindi lilipat si Kathryn at mananatili itong Kapamilya

- Aniya, ang espikulasyong ito ay lumabas lamang dahil sa paglabas ng balita tungkol sa breakup nila ni Daniel Padilla

- Matatandaang sa kainitan ng usapin tungkol sa KathNiel breakup ay may mga blind item at vlogs tungkol sa umano'y offers kay Kathryn mula sa ibang network at lilipat na umano ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ng ina ni Kathryn Bernardo na walang katotohanan ang espikulasyong lilipat na ng ibang network si Kathryn. Sa ulat ng ABS-CBN News ay sinabi ni Mommy Min na mananatili daw itong Kapamilya.

Read also

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

Ina ni Kathryn Bernardo, pinabulaanang lilipat ng network ang anak
Ina ni Kathryn Bernardo, pinabulaanang lilipat ng network ang anak
Source: Instagram
"Hindi siya aalis ng Kapamilya network!"

Lumabas lang daw ang haka-hakang ito matapos ang breakup ng anak at ni Daniel Padilla.

Matatandaang sa kainitan ng usapin tungkol sa KathNiel breakup ay may mga blind item at vlogs tungkol sa umano'y offers kay Kathryn mula sa ibang network at lilipat na umano ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang sa panayam ni MJ Felipe ay maging si Direk Cathy Garcia-Sampana ay nagulat sa hiwalayang KathNiel.

Si Alden Richards naman ay minabuting huwag nang magsalita tungkol sa hiwalayan sa isang panayam na naibahagi sa StarsPhotog Vidz YouTube channel.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

Direk Cathy Garcia-Sampana, aminadong nagulat din sa KathNiel breakup

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate