Sharon Cuneta, tawang-tawa sa mga biro ni Luis Manzano sa mommy niya

Sharon Cuneta, tawang-tawa sa mga biro ni Luis Manzano sa mommy niya

- Si Sharon Cuneta ang naging guest ni Luis Manzano sa kanyang binahaging bagong video sa kanyang YouTube channel

- Kahit matagal nang magkakilala ay tawang-tawa pa rin si Sharon sa mga hirit ni Luis

- Nabanggit ni Megastar na tawang-tawa siya sa mga video ng mag-ina kapag nakakasama ni Luis ang kanyang mommy

- Nahampas pa ni Mega si Luis sa biro nito kay Ate Vi dahil aniya ay isa siyang Vilmanian kahit hindi pa siya kilala sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tawang-tawa si Sharon Cuneta sa mga biro ni Luis Manzano lalo na sa kanyang mommy na si Vilma Santos. Sa vlog ni Luis ay inilarawan niya ang kanyang mommy bilang petite at down-to-earth.

Sharon Cuneta, tawang-tawa sa mga biro ni Luis Manzano sa mommy niya
Sharon Cuneta, tawang-tawa sa mga biro ni Luis Manzano sa mommy niya
Source: Youtube

Ani Mega, natatawa siya kapag napapanood niya ang mag-ina. Ang tinutukoy nito ay ang video nilang mag-ina kung saan naka-shorts siya nang maiksi.

Read also

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

Hirit naman ni Luis, sina-sacrifice daw niya ang sarili niya para magkaroon ng career ang mommy miya.

Kasi naniniwala ako na may potential siya sa industriya hindi lang siya nabibigyan ng tamang pagkakataon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tawang-tawa naman si Sharon dahil aniya sa sobrang paghanga niya kay Ate Vi ay ginaganon lang ni Luis.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate