Direk Cathy Garcia-Sampana, aminadong nagulat din sa KathNiel breakup

Direk Cathy Garcia-Sampana, aminadong nagulat din sa KathNiel breakup

- Aminado si Direk Cathy Garcia-Sampana na maging siya ay nagulat sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Sa panayam ni MJ Felipe, sinabi ni Direk Cathy na walang hindi malulungkot sa nangyari sa dalawa

- Agad daw niyang pinadalhan ng mensahe sina Kathryn at Daniel nang marinig ang balita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Patungkol naman sa pelikula na After Forever, sina Kathryn at Daniel ang masusunod kung gusto pa nilang ituloy

Maging si Direk Cathy Garcia-Sampana ay aminadong nagulat tungkol sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa panayam ni MJ Felipe, sinabi ni Direk Cathy na agad daw niyang pinadalhan ng mensahe sina Kathryn at Daniel nang marinig ang balita.

Direk Cathy Garcia-Sampana, aminadong nagulat din sa KathNiel breakup
Direk Cathy Garcia-Sampana, aminadong nagulat din sa KathNiel breakup
Source: Instagram

Aminado siyang nalungkot siya sa nangyari.

Wala namang hindi malulungkot. Ganun naman ang relationship. I mean I do love stories so I know may mga ganyang moments.

Read also

Annabelle Rama sa plano ng pamilya sa pasko: "Sama-sama buong pamilya ko, minus one lang"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Patungkol naman sa pelikula na After Forever, sina Kathryn at Daniel ang masusunod kung gusto pa nilang ituloy ang pelikula.

I am not closing my doors dun sa project na yun kasi siyempre who wouldn't want a KathNiel movie. But maybe pwedeng ma delay. Pwedeng ma-usog lang naman.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Annabelle Rama: "Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera"

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate