Darren Espanto, nagka-wardrobe malfunction: "I definitely won’t forget this show"

Darren Espanto, nagka-wardrobe malfunction: "I definitely won’t forget this show"

- Ibinahagi ni Darren Espanto ang video clip ng kanyang performance sa show nila sa Qatar

- Aniya, hindi niya makakalimutan ang show na ito dahil opening pa lang ay napunit na ang kanyang pantalon

- Makikita sa video clip na tila naramdaman niya ang pagkapunit ng pantalon niya kaya pasimple niya itong tinakpan

- Marami naman ang lalong humanga sa kanyang husay at dedikasyon sa kanyang pagpe-perform

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Darren Espanto ang isang video clip na kuha sa kanyang performance sa kanilang Qatar show. Aniya ay hindi niya makakalimutan ang show na ito.

Darren Espanto, nagka-wardrobe malfunction: "I definitely won’t forget this show"
Darren Espanto, nagka-wardrobe malfunction: "I definitely won’t forget this show"
Source: Instagram

Ani Darren, opening pa lang ay napunit na ang kanyang pantalon.

Qatar, I definitely won’t forget this show. Opening palang, napunit na agad pantalon ko.

Kapansin-pansin sa video clip ang pasimpleng pagtakip ni Darren sa bahagi ng pantalon na napunit.

Read also

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami naman ang lalong humanga sa kanyang husay at dedikasyon sa kanyang pagpe-perform:

OMG hilarious Kailangan pagdaanan yan ng bawat performer. Congratulations
Ganyang ka KAGALING! Di Yan napa sin Ng mga nasa unahan Kasi sa Mukha at husay ng galaw mo ang nakakuha ng attention ng mga nanonod, kung di mo pa ito pinost, walang makakaalam
Hahaha pinost mo pa talaga . But you did great, professional talaga and nothing can stop you performing

Si Darren Lyndon Gonzales Espanto ay isang Filipino-Canadian singer. Isa din siyang aktor. Una siyang sumali sa singing competition sa kanyang edad na sampung taong gulang kung saan nanalo siya sa competition sa Edmonton na pinamagatang Masters Finals of the Pinoy Singing Sensation.

Ibinahagi ni Kim Chiu ang convo nila ng kaibigan niyang si Darren. Sa screenshot ng kanilang pag-uusap, sinabi ni Darren na ilang beses daw niyang namura si Kim bilang si Juliana sa seryeng 'Linlang'. Ani Darren, nangigigil siya sa karakter ni Kim sa naturang serye na kasalukuyang namamayagpag sa Prime Video. Sa katunayan ay naging most watched show siya sa Prime Video Philippines noong unang araw itong lumabas.

Read also

Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila

Hindi naitago ni Kim ang pagkagulat nang kantahan siya ni Darren ng awiting 'Anong Nangyari Sa Ating Dalawa'. Kasunod nito ay naging maingay ang reaksiyon ng studio audience kaya nagpaliwanag si Darren na ito daw ang kanta sa serye niyang 'Linlang'. Napatanong tuloy ang mga co-hosts ni Kim kung may alam daw ba si Darren. Ilang araw nang naiintrigang naghiwalay na sina Kim at boyfriend na si Xian Lim.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel