Bea Alonzo, natanong sa wedding preparation: "Wala pang plano"

Bea Alonzo, natanong sa wedding preparation: "Wala pang plano"

- Natanong kay Bea Alonzo tungkol sa wedding preparation nila ng fiance na si Dominic Roque

- Aniya, wala pang plano tungkol sa kasal nila kaya wala pa siyang naibahagi tungkol dito

- Maging sa mga bisitang imbitado ay wala ding masagot si Bea dahil aniya ay parehas silang busy ni Dom kaya wala pa silang napag-uusapan

- Matatandaang naging usap-usapan ng mga netizens ang umano'y ilang araw nang hindi nagpo-post ang dalawa ng picture na magkasama sila

Walang maibahagi si Bea Alonzo nang tanungin tungkol sa wedding preparation nila ni Dominic Roque. Sa panayam na naibahagi sa YouTube channel na Very W*ng, sinabi ni Bea na sobra siyang busy at wala pa silang plano tungkol sa kasal nila ng fiance niyang si Dominic Roque.

Bea Alonzo, natanong sa wedding preparation: "Wala pang plano"
Bea Alonzo, natanong sa wedding preparation: "Wala pang plano"
Source: Facebook
“Wala, wala pang plano. Parang dapat lalaki ang nagpaplano?”

Ito ang naging sagot ni Bea sa tanong tungkol sa kanilang wedding plans. Maging sa Valentines day ay mukhang wala pa din daw plano at baka daw may taping siya sa araw na iyon.

Read also

Enrique Gil, sinabing sila pa rin ni Liza Soberano: 'We're just super busy'

Kamakailan ay nabanggit ni Dominic na si Kathryn ay imbitado sa kasal pero nang tanungin si Bea tungkol sa Kathniel kung imbitado daw ba ang mga ito, wala ding maisagot si Bea.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Alam mo wala pa talaga, so I can’t tell you anything just yet.”

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Read also

Willie Revillame, handa na raw tumakbong senador sa 2025

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel