Intellectual Property Office, kinansela ang 'Eat Bulaga' trademark ng TAPE
- Ibinalita ni Cristy Fermin sa programang "Cristy FerMinute" ang tungkol sa pagkansela ng Intellectual Property Office sa trademark registration ng TAPE, INC sa pangalang "Eat Bulaga"
- Hindi raw napatunayan ng TAPE kung paano nila nabuo ang "Eat Bulaga" kaya pumabor sa TVJ ang desisyon ng IPO
- Dahil dito ay hindi na magagamit ng TAPE ang titulong "Eat Bulaga"
- Marami naman ang natuwa sa desisyong ito ng IPO Philippines lalo na ang mga tagasuporta ng TVJ
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pumanig sa TVJ ang Intellectual Property Office, Philippines pagdating sa trademark ng titulong Eat Bulaga. Ibinalita ni Cristy Fermin sa programang Cristy FerMinute ang tungkol sa pagkansela ng Intellectual Property Office sa trademark registration ng TAPE, INC.
Hindi raw napatunayan ng TAPE, Inc kung paano nila nabuo ang Eat Bulaga kaya pumabor sa TVJ ang desisyon ng IPO pagdating sa trademark ng kanilang noontime show.
Matatandaang habang hindi pa nailabas ng IPO ang desisyon ay E.A.T. ang ginamit na titulo ng Dapabarkads sa kanilang noontime show na nasa TV5.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.
Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating.
Source: KAMI.com.gh